Top 5 Nakaka-LSS Himig Handog 2016 Songs (Sensei Plazo Top Picks)
#KayeCal #Nyebe #Starmusic #HimigHandog2016 #KayeCalonhitcharts
Araw-Araw may mga awiting di natin mapigilang pakinggan at paulit-ulit na sinasaliwan.
Bukod sa kagustuhang awitin ang mga ito habang pinapakinggan ay ninanamnam din natin ang nilalaman na sadyang tagos sa puso ang mensahe.
Top1 NYEBE -Kaye Cal
Paulit-ulit itong gumigising sa ating mga natutulog na alaala. Yung tipong para sa'yo ang awit at naging daan ang mga kompositor at mga mang-aawit upang bigyan ka ng bagong pag-asa.
Ito ang Top 5 Nakaka-LSS na awiting Nasa aking playlist.
Top1- NYEBE
Interpreter: Kaye Cal
Top2-AMBON
Interpreter:Barbie Almalbis
Top3-MONUMENTO
Interpreter: Kyla at Kris Lawrence
Top4-MANANATILI
Interpreter:Janella Salvador at Marlo Mortel
Top5-DALAWANG LETRA
Interpreter: Itchy Worms
Ito ang aking mga "Hugot" mula sa mga sumusunod na awitin:
"Nyebe"
Sa pamagat pa lamang ay punung-puno na ito ng mga malalalim na mensahe. Mga mensaheng hindi mo kailangang lantarang malaman agad sapagkat ikaw mismo ang huhugot ng mensahe nito mula sa Panginoon at sa buhay na kanyang pinahiram sa'yo.Magigising ka sa katotohanang hindi mo malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ikaw ay "ikaw" hanggat hindi mo lubos na kikilalanin ang Diyos at ang iyong sarili sa tulong ng iyong karanasan. Iba-iba ang nilalaman na mensahe nito batay sa nakikinig pero isa ang hatid nitong mensahe para sa lahat na tanggap tayo ng Diyos kahit anong mangyari. Huwag na huwag mawalan ng pag-asa dahil ang pag-ibig ng Diyos ay laging nasa atin.Dapat handa natin itong tanggapin.
Hangang-hanga ako kay Sir Aries Sales sa kanyang napakagandang likhang awit at kay Kaye Cal na nagbigay pa lalo ng buhay sa awiting Nyebe.
"Ambon"
Sa bawat yugto ng buhay ng tao ay may mga karanasan sa pag-ibig na sadyang hindi malilimutan. Halos lahat nagmamahal at tayong lahat ay may minamahal subalit sadyang hindi magkapantay ang pag-ibig na naiaalay ...sadyang ganito ang buhay.
Mahal na mahal mo pero maaring hindi ka ganun ka gusto...mahal na mahal mo pero sadyang di siya nakatakda para sa'yo...Mahal na mahal mo pero di kayang masuklian ang pagmamahal mo ...
May panahong akala mo ambon lang...isang araw bagyo na pala ang kasunod.Di mo mamamalayan nahulog na pala sa patibong pero wala rin namang patutunguhan.May panahon rin na akala mo patuloy ang bagyo yun pala titila rin at unti-unting maglalaho.
Ganun talaga kapag nagmahal ...Hindi madali...pero kapag handa kang maghintay darating at darating rin ang taong hindi mawawala sa buhay mo...sigurado kang hindi lang ambon ang maibabahagi niya sa buhay mo.
Napakagandang awitin.
"Monumento"
Isang napakasayang awitin kung saan papangarapin mo agad na makilala na ang taong ituturing mong mundo. Kapag narinig mo ang awiting ito ay biglang lilikot ang iyong imahinasyon kung sino ang isang taong aalayan mo ng iyong buhay maliban sa iyong pamilya.Maitatanong mo bigla sa sarili mo "Sino kaya ang tatayuan ko ng Monumento?" o "Sino kaya ang magpapagawa ng monumento para sa akin?" sadyang kaysarap isipin.
Hindi basta basta ang magpatayo ng monumento pero maaring sa di inaasahang pagkakataon ay matatagpuan mo rin ang monumento mo sa puso at buhay ng isang tao.
"Mananatili"
Masarap magmahal.Masarap na mapait ang masaktan.Masarap balikan ang mga masasayang alaala.Masarap balikan ang mapapait na bahagi nito (Aminin mong kahit masakit natuto ka kaya paulit-ulit itong sumasagi sa isip mo) Oo nasaktan ka dahil nakatakda kang masaktan para matuto...at mananatili ang mga natutunan mo hanggang magmahal kang muli.
Tanggapin na natin na kung may umaalis o mawawala sa buhay natin may mga mananatili naman.
May mananatiling nandiyan para sa atin at hinding-hindi mawawala o hinding-hindi tayo iiwan.
Mananatili ang tuwa't galak na maaring maiiwan na bilang mga alaala ...mananatili ang pagmamahal na natapos na subalit maaring alaala na lamang ang magdadala.
"Dalawang Letra"
Oo.Napakasarap nga namang marinig ang isang "Oo". Oo! lalo na sa taong pinakahihintay at pinakamamahal mo. Ang "Oo" na panghabambuhay at "Oo" na bubuo sa iyong mga pangarap. Dalawang letra ngunit may malalim na kahulugan na madaling bigkasin subalit mahirap ibigay dahil sadyang sagrado ito tulad ng "I do" at "I love you" . Kaya't paalala pag-isipan ang iyong pagsagot ng "OO".
Biglang sumasagi sa aking isipan ang liriko ng mga awiting ito kaya't naging bahagi ng aking OPM playlist.
Lilinawin kong ang lahat ng awiting bahagi ng Himig Handog 2016 song compositions ay magaganda at lahat ay may kakayahang iangat ang musikang Pilipino.Hangang-hanga ako sa lahat ng bumubuo ng Himig Handog nawa'y marami pang awitin ang magiging bahagi ng buhay natin ang magmula rito.
Naging bahagi na ng buhay ko at buhay ninyo ang mga awiting ito na siyang nagbibigay ligaya't pag-asa sa atin.Buhayin at tangkilikin ang Orihinal na Musikang Pilipino.
-Sensei Plazo (Apple Marie Plazo)
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo
Maari niyo pong ibahagi ang inyong top 5 Himig Handog 2016 Song Favorites .Maari po kayong magkomento, magbigay ng suhestyon at magrepost ng aking mga blogs :) Salamat po mga Minamahal kong Mambabasa <3
ReplyDeleteAbangan po ang susunod na #FeaturedKayeCalFan at mga susunod pang #KayeCalArticles :)
ReplyDelete