Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan
Tag-Ulan na naman!
Buwan na naman ng Hulyo ...panahon na naman kung saan may mga di-inaasahang paglakas at pagtila ng ulan. Malala pa ay may malakas na bagyong paparating. Marami ang kadalasang di-inaasahang mga pangyayari't karanasan sa tuwing ganito ang panahon. Kailangan mong maging handa.
Kapag tag-ulan marami ang hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagbaha at pagkakaroon ng sakuna.Maaring makaiwas sa sakuna kapag ikaw ay mag-iingat at handa sa mga maaring mangyari. Mag-aaral ka man o isang masipag na taong naghahanap-buhay...ano man ang iyong propesyon ay hindi ka mapapahamak kapag handa ka sa mga maaring mangyari.
May mga simpleng bagay na maaring magligtas ng iyong buhay tulad ng mga kagamitang dapat dala-dala mo sa ganitong tag-ulan na panahon at ito ang mga ss.
-payong/raincoat
-bota/tsinelas
-tubig
-first aid kit
-biskwit
-pamalit na damit (panlabas at panloob)
-pito
-flashlight
-plastic bag
-cellphone
-cap
-jacket
Ang mga nakatalang bagay sa itaas ay mga mahahalagang panangga sa sakit at maaring makatulong upang mailigtas ang iyong buhay sa panahon na kakailanganin mo ang mga sumusunod.
Ang mga simpleng kagamitan at mga simpleng paalala ay napakahalaga.Sa simpleng paalala na ito ay may buhay tayong masasalba.
Huwag kalimutang maging handa sa lahat ng oras...mapa tag-araw man o Tag-ulan.
-Sensei Plazo
Instagram:@missplazo_24
@missapplemarieplazo
palaging mag iingat,tag ulan jan,dito nman sa disyerto sobrang init...ingat ingat lng mga kaibigan.✌
ReplyDeleteIngat po kayo diyan mga bayaning OFW's 😇
Delete