Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

Sa 26 taong pananatili sa mundo...tunay ngang bawat taon ay kakapanabikan ko.May malulungkot at Masasayang pangyayari.May mga di inaasahang pagkagulat sa pagharap ng buhay na salat dahil di naman laging may sapat.

Wala akong ibang nasa isip habang ginagawa ang blog na ito kundi ang mga taong makakabasa nito at nang mabigyan  ang sarili ko ng pagkakataong maibahagi ito.

Layunin kong itala ang 26 o dalawampu't anim na mga aral ng buhay na nakuha ko mula sa aking karanasan na tiyak na mararanasan niyo rin sa di inaasahang mga pagkakataon.

1. Laging may magpapasaya sa atin sa bawat landas na ating tatahakin ngunit sila rin ang magpapalungkot at magiging dahilan ng kalungkutan natin dahil karaniwan sa mga taong nagpapaligaya ay hindi naman palaging nananatili sa ating tabi.Maaaring ipinahiram lamang sila ng tadhana dahil misyon nilang paligayahin tayo subalit kapag natapos na ang misyon ay ang tadhana na rin ang maglalayo sa kanila sa atin dahil may mas nangangailangan pa sa kanila kaysa sa'tin.Sana maunawaan natin na may dahilan ang lahat kaya kailangan nilang mawala sa buhay natin.

2. Hindi mo kailangang maging competitive palagi pero siguraduhin mong may mga "goals" ka kaya kailangan mong gawin ang dapat mong gawin.

3. Huwag ubusin ang iyong sarili sa mga bagay at mga taong "toxic" sa buhay mo.Maging mapagmasid sa mga bagay at taong sumisira o kaya'y hindi naman totoo sa'yo.Lahat sila ay kilalanin mong mabuti dahil hindi lahat ng mukhang anghel ay totoo at hindi lahat ng gwapo o maganda ay busilak ang kalooban.

4. Huwag mamili ng kaibigan batay sa itsura, kilos, pananamit o antas ng pamumuhay.Naniniwala ako minsan sa "intincts" ko at may mga mabuting kalooban sila.Kahit sino ka pa o nakapagtapos ka ng kung anong propesyon ay tungkulin nating rumespeto ng ating kapwa at kahit sino sa kanila ay kapatid natin bilang Pilipino.Magugulat ka sa kanila kapag nakausap at nakilala mo sila dahil marami silang maituturo sa'yo tungkol sa buhay na noon ay akala mo pang MMK lang o napapanuod mo lang na palabas tulad ng kuwento sa T.V.

5.  May mga oras o mga araw talaga na bigla na lang tayong nalulungkot.Kani-kanina lang ang saya pa natin tapos kinagabihan o kaya kapag mag-isa tayo bigla na lang may mga sumasagi sa isip natin na magpapalungkot sa'tin.Normal lang naman yan, habang nagkakaedad kasi tayo napupuno tayo ng mga karanasang baon na natin habambuhay.Sabi nga nila hindi natin mapapahalagahan na may kaligayahan kung wala tayong problema o kaya'y lungkot na nadarama.

6. May mga pagkakataong kinakausap mo na ang sarili mo dahil mismong sarili mo lang ang aasahan mong magpapagaan ng nadarama mong di mo naman kaya pang ibulalas sa iba.Sabi nila may mga pagkakataon nakakatulong ang "Self Talk" para magbalik ang confidence.

7. Huwag i-pressure ang sarili na magka "Love Life". Huwag magpadala sa mga #relationshipgoals tapos hindi naman pala magtatagal.Huwag atat magka-Jowa dahil malay mo nakalaan siya para sa iba kahit ngayon kayo pa.

8. Lahat naman may tungkuling tumulong sa pamilya lalo na at nakapagtapos na pero huwag naman solohin lahat ng problema ng pamilya.Tao lang naman din tayo at nauubos din.May karapatan din na maipatikim sa sarili ang mga pinaghirapan kahit papaano.Aaminin ko ako yung tipo ng tao na kahit wala nang matira sa'kin ayos lang basta para sa Pamilya pero nagulat ako sa huli walang natira dahil hindi ako nagtira.Kaya magtira naman tayo para sa sarili at para sa hinaharap.

9. Magpasalamat sa mga bagay o blessings na dumating wag na magreklamo pa dahil hindi mo alam na may ibang nangangailangan niyan pero wala sa kanila.Alam mo bang hindi lahat meron kung anong meron ka kaya magpasalamat ka at wag na magreklamo pa.

10. Kahit gaano ka pa kabait laging may taong kukuwestiyonin yang kabaitan mo.May iba pa na di mo naman naisip yung negatibong inisip nila pero yun na ang bukambibig nila na ipupukol sa ngalan mo.Pwede namang maging mabait kahit walang kapalit ah.Pwede namang ganito lang talaga ang kinalakihan.Ang sakit kaya marinig yung term na nagbabait-baitan tapos walang sawa yung patutsada tungkol sa ganitong personalidad.

11. Mas mahalaga ang Karanasang di mapapalitan ng kahit anong kayamanan o malaking suweldo.Magturo ka...magtravel mag-isa kasama ng pamilya o sumama sa outreach programs o magpasaya at manlibre kung meron kang pera.Ganun kasimple.

12. Pahalagahan ang trabaho.Hindi madali ang unang pasok sa trabaho tulad ng mga naunang ganap ng pag-aaplay.Hindi pwedeng laging puso ang paiiralin dahil may mga bagay na dapat gugulan ng oras kesa sa damdamin.Pantay mong gagamitin ang utak at puso.

13. Ang oras ay napakahalaga.Bawal ang ma "LATE" .Kung ang pagiging late ang pag-uusapan isa yan sa problema natin.Minsan nawawala ang tiwala sa'tin ng mga taong naghihintay at nag-aabang ng ating prisensiya.Maaari ring maging sanhi ng pagkawala ng iyong trabahong pinaghirapang sungkitin.

14. Napakahalaga ng suporta ng Pamilya.Di bale nang konti ang suporta ng kaibigan basta buo ang suporta ng pamilya...buo ka na at hindi na matitibag ang mga pinundar mong pangarap.

15. Bigyan ng oras ang sarili. May mga pagkakataong gusto natin mapag-isa.Mag Mall ...magtravel...magkape...kumain...kumanta...umiyak at kung ano ano pa.Basta sa isang linggo pwedeng magbigay ka ng mga oras para sa sarili.

16. Hanggang may unan may kayakap ka at maluluhaan sa panahong walang taong nakakaramdam ng pighating ayaw mo rin ibahagi sa pamilya dahil ayaw mo silang nalulungkot din.
Salamat sa mga unang handang mabasa ng mga luha.

17. Hindi totoong kapag may pimple ka ay in Love ka or may di makatulog kakaisip sa'yo.Maghilamos ka at gumamit ng facial wash nang magising ka sa katotohanang yan.

18. Sa friendship hindi ako naniniwalang may "SPECIAL" kasi may pagkakataong kapag itinatak mo na special ka sa kanya dahil sinabi niya ay tunay ngang special ka...eh baka naman pang ilang special ka na eh dapat di na lang niya ginamit yung term na Special kung sa totoo ay ORDINARY lang din pala.Ayaw na ayaw ko yang term na SPECIAL dahil ang gusto ko ialay sa Friends ko ay "IMPORTANCE".

19. Matakot ka sa mga manlolokong tao kaysa sa mga Multo. Hindi ka pa naman nakakita ng multo marami ka nang nakitang manloloko.

20. Kapag nagrerebyu ka para sa pagsusulit medyo busugin mo muna sarili mo bago magrebyu kaysa habang nagrebyu ka nakapokus ka sa nginangata mo di na tuloy maging pokus isip mo sa nirerebyu mo.Pwede namang magkaroon ng break time para ngumata.Nga pala ako dati di ako mahilig magrebyu pero pinapakaba ko sarili ko dahil alam kong " stock knowledge" lang ang baon ko.Mahirap lang ako kaya walang pang snack.Salamat at Iskolar ng Bayan ako.

21. Habang bata pa maengganyo na sa Musical Instruments dahil baka di mo alam artista o singer ka paglaki.Pangarap na halos ng lahat ngayon ang mapunta sa showbiz industry.Sumayaw o magpatawa try mo mag-isa o kung may mga kagrupo ipraktis mo na talento mo yan.

22. Lahat ng tao may talento.Kahit sino may kayang gawin...may ilan nga lang mahiyain kaya tumulong sa mga mahiyain dahil isang araw magugulat ka na lang umaapaw pala ang talento ng taong noon ay pinagtatawanan ng iilan.

23. Huwag kang mag Heavy Make up kung hindi naman kailangan. Mas aprub ang lip at cheek tint kung "pale" ka .Payo ko naman sa kabataan ngayon pwede namang magpulbo at lip tint pero yung natural look lang.

24. Huwag kakalimutang kumain sa labas kasama ang pamilya.

25. Matuto sa mga pagkakamali.Tao lang naman tayo at nagkakamali.

26. Laging magtiwala sa Panginoon.Lagi tayong naguguluhan kung ano ang mga nangyayari.Subukan nating hintayin ang mga sagot Niya.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

-Sensei Plazo-
Apple Marie Plazo
Follow me on instagram: @missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie
E-Mail: applemariesevellejo@yahoo.com
Youtube:Sensei Plazo


Comments

Popular posts from this blog

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan