Posts

Showing posts from June, 2016

Ang Nalalapit na Pagtatapos ng Two Hearts ni simply_author (Wattpad Story)

Image
°Ang Nalalapit na Pagtatapos ng Wattpad Serye ni Kaye at Nicky°        Tunay ngang ang bawat kuwento ay may katapusan...subalit hindi naman dapat ikalungkot ang katapusan ng isang kuwento sapagkat ang ibig sabihin lamang nito ay may bagong simula na naghihintay tungo sa bagong yugto ng buhay.         Ayon kay Simply_Author ang Two Hearts ang pinakauna niyang likhang fanfic story. Lalo namang nabilib ang mga katulad kong mambabasa dahil sa katotohanang ito.         Nakakabilib at nakakakilig ang kuwento kung saan di mo alam ang mga susunod na mga mangyayari kung kaya't susubaybayan mo talaga ito. Napakaganda at Napaka organisado ng pagkakasalaysay ng kuwento mula simula hanggang sa nalalapit na wakas nito.        Kaysarap sa pakiramdam kahit napaiyak kami ay marami kaming natutunan tungkol sa pag-ibig at mga maaring pagdaanan sa ganitong kakaibang sitwasyon ngunit makatotohanan para sa iilan na nakakaranas na nito sa ngayon.        Sa ating minamahal na Simply_Aut

#KayeCalArticles "Ngiti ni Kaye Cal"

Image
#KayeCalArticles 11 "Ngiti" Tatak #GrinoDental             Nakakaganda ng araw ang mga ngiting bubungad sa'yo kapag si Kaye na ang pinapanood sa Youtube, T.V. at sa mga live interviews. Iba nga naman ang ngiting tatak Kaye Cal. Maging ang kanyang mga kumakalat na larawan sa Social Media Sites ay nakakawala ng stress.                 (Credits po sa may-ari ng larawan at kay Ms.Kristine sa Vid na nasa youtube)             Nakakawala ng pagod ang mga ngiti ni Kaye Cal kahit alam natin kung gaano na siya kapagod sa larawan o sa videong iyon ay nagagawa niya pa tayong mapasaya. Iba talaga ang ngiting Kaye Cal. Idagdag pa ang kanyang karisma na natural lang talaga at kahit ano pa ang kanyang isuot ay kaya niyang dalhin ang kanyang sarili basta't nakangiti lang siya at ini-enjoy ang lahat ng blessings sa buhay niya.           Yan ang Ngiting Kaye Cal...yan ang ngiting minahal at mamahalin pa ng napakaraming tagahanga na patuloy na sumusupo

#FeaturedKayeCalFan -Elay Nonan

Image
             Naappreciate ko ang mga Kaye Cal Fan na tulad ko kaya maaari pong isa sa inyo na mahilig magbasa ng mga #KayeCalArticles ko ay maaari ko pong  mai-Feature sa aking blogspot :)                          Ang ating kikilalanin ngayong umaga ay si Elay Nonan mula sa Isabela na isang legit team Kaye Cal. Nainspire ako sa kanya nang bigla siyang magchat sa akin ...at natuwa ako dahil nasabi niya na Fan ko siya :) .Nagsimula ang chat nang tinawag niya akong "Hello po...Sensei" at nakakatuwa dahil isa rin siyang "Teacher" tulad ko. Ilang minuto pa lang kaming nagkachat pero naramdaman ko sa kanya ang isang taong punung-puno ng pangarap tulad ko at ng iniidolo naming si Kaye Cal. Iba ka talaga Kaye Cal nakakainspired ka.             Para lubusan niyo pa pong makilala si Elay Nonan at marinig ang kanyang singing voice at covers may Youtube channel po siya na maari niyong bisitahin. May tagalog Covers rin po siya at sumusuporta rin siya s

#KayeCalArticles "Pick"

Image
#KayeCalArticles 10  "Pick"            Isang Pick mula kay Coach Nyoy Volante ang nagpaluha sa akin ngayong umaga...kinikilig ako para kay Kaye Cal...hindi ko maipaliwananag kung bakit pero naramdaman ko yung caption ni Kaye Cal sa kanyang instagram post tungkol sa kanyang "Younger Self" na dati iniidolo lamang niya si Coach Nyoy at napapanood lamang  pero ngayon ay naging malaking bahagi na siya ng buhay nito at bahagi na siya ng buhay ni Nyoy bilang coach sa We Love OPM. Ang sarap sa pakiramdam kapag ang taong iyong iniidolo ay nakatadhana na pa lang maging bahagi ng buhay mo. Sa hindi inaasahang mga pangyayari hindi sayang ang mga pagsusumikap basta't di ka sumusuko sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Yan ang naramdaman ko ngayong umaga.        Napaka- humble ni Kaye Cal dahil hanggang ngayon ay binibigyang-halaga niya ang kanyang mga natatanggap sa buhay ... Patuloy niyang pinapahahalagahan ang kanyang mga iniidolo mula pa noong kanyang pagka

#KayeCalArticles "Sketches"

Image
#KayeCalArticles 9 Sketches ni Kaye Cal =) 😘 =)             Mula sa mga interviews hanggang sa Radio Guestings ay hindi ikinukubli ni Kaye Cal ang kanyang kinuhang kurso nang siya ay tumuntong sa Kolehiyo. Ang kanyang kinuhang kurso ay isang magandang daan tungo sa isa niyang pangarap...ang maging isang interior designer. Hindi man niya naipagpatuloy ang Interior Design Career ay masaya naman tayong nakilala siya bilang isang magaling na mang-aawit kung saan hindi lamang mga mata natin ang kanyang napapabusog dahil pati puso't kaluluwa natin ay kanyang nabibigyang galak.                 Habang ako ay naghahanap ng mga larawan ni Kaye Cal sa facebook ay nakita ko ang isang larawang may pirma at sketch ni Kaye Cal. Nakita ko ang galing niya sa larangan ng  pagguhit na natural sa isang artist na kagaya niya. Napakatalentado niya talaga . (Cto.) Tulad ng sketch na yan unti-unti nang iginuguhit ng tadhana ni Kaye Cal ang napakaganda ni

#MarKaye (Markki Stroem at Kaye Cal)

Image
#MarKaye #KayeCalArticles 8                 Nawindang ang mundo ng mga team MarKaye nang magpost ng larawan si Markki Stroem sa kanyang Instagram account kasama si Kaye Cal. Kapwa mula sa Pilipinas Got Talent Season 1 ang dalawa at tunay nga namang nakakamiss ang kanilang muling pagsasama sa isang larawan. Napakasayang makita ang dalawang ito kung saan pareho sila ngayong nagbabalik sa spotlight at nagpapakita pa ng mga magagandang performances sa Telebisyon. Mapapanood ang dalawa sa We Love OPM pero magkaiba ang kanilang Team.                   Ang sarap balikan ng PGT 1 Markaye moments na mapapanood sa Youtube. (Credits to the owner of this vid.)                           Nakakatuwang makita muli ang dalawang bituing ito na ngayo'y patuloy na naniniwala sa kanilang mga pangarap.Unti-unti na naman nating nararamdaman ang kakaibang saya . Ilang taon na ang lumipas subalit makikita natin kung gaano kagaling ang dalawang i

Team Power Chords

Image
#KayeCalArticles 7 "Team PowerChords" Kaabang-abang na unique performances ng Team Power Chords          Isa sa pinaka inaabangang grupo sa We Love OPM ay ang Team Power Chords. Kabilang sa Team sina Kaye Cal, Marlo Mortel at Marion Aunor na talaga namang suportado ng nag-iisang Coach Nyoy Volante ng OPM.         Unang tapak pa lamang ng grupong ito sa We Love OPM stage ay naramdaman na ng karamihan ang kakaibang talento na maaring maibahagi ng mga ito. Taglay ng Team Power Chords ang unique quality voices at charm na hindi maikukubli sa tatlo lalo na kay Kaye Cal na tinitilian mapa babae at lalaki man o kabilang man sa iginagalang nating LGBT community. Walang mapagsidlan ang galak sa tuwing dumarating ang Sabado ng gabi dahil sa palabas. Hindi man makakuha palagi ng mataas na marka ang team Power Chords nakikita naman ang kakaibang lakas ng Team kung saan mas lalo silang tumatapang at naging mas palaban sa bawat laban. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang

#KayeCalArticles "GGV"

Image
#KayeCalArticles 6  "GGV"       Paano kaya kung ang dalawang talentadong Pinoy sa ating bansa ang magsasama sa isang gabi ng GGV episode para magpasaya sa lahat?  Anu-ano kaya ang mga kaabang-abang na pangyayari? Ilan lamang ang mga tanong na ito sa ibig masagot ng mga nangangarap na tagahanga ni Kaye Cal kung kaya't ibig ng nakararaming makasama siya sa Guest list ng naturang sikat at trending Sunday show.       Usap-usapan ang pagiging OPM Star artist para sa linggong ito ng nag-iisang unkabogable Vice Ganda sa tinututukang OPM show na We love OPM kung saan kasali si Kaye Cal sa palabas kabilang ng Team Powerchords na pinamumunuan ni Nyoy Volante bilang Coach. Sabik na sabik at inaabangan na ng team Kaye Cal ang performances ni Kaye at ng teampowerchords.       Patuloy pa rin ang Netizens sa pagrerequest tungkol sa GGV guesting sana ng Voice of Soul. Marami ang nag-aabang sa katuparan ng kahilingang ito.       Kaabang-abang ang kahilingang guesting na ito