Posts

Showing posts from March, 2017

#SenseiPlazoDiaries

Image
Ako'y naging isang guro sa isang Akademiya kung saan hindi lamang ako nanatili ng tatlong taon doon tulad ng nalalaman ng nakararami.Sa puso't isip ko'y kasapi pa rin ako at nasa puso ko pa rin ang Akademiya sa kabila ng aking personal na pamamaalam alam kong hindi magpapaalam ang aking pagpapasalamat sa akademiya pati na sa aking mga co-teachers at sa mga batang naging bahagi ng aking First 3 years of Teaching. Sa aking paglisan sa paaralang yaon ay hindi nagtapos ang mga pagpapahalagang itinanim ko sa aking puso.Panghabambuhay ang mga karanasang aking babaunin at alam kong may malaking plano ang Diyos dahil sinubok niya talaga ang aking tibay at pagpapasyensya sa mga bagay-bagay.Alam kong may mga nakatatak na mga aral sa aking puso ngayon na pinaglalalim ko pa upang maibaon ito at maisalaysay para sa susunod pang henerasyon. Isang taon na nang lisanin ko ang Akademyang yaon...subalit patuloy itong magiging bahagi ng aking paglalakbay sa pagiging guro. Kay

Skyranch Pampanga ❤

Image
Kung ikaw ay nasa Pampanga o kaya'y malayang naglilibot sa SM Pampanga maaari kang lumabas upang masilayan ang Skyranch Pampanga.Kung hilig mo ay extreme fun rides o kaya'y ibig ng iyong anak na sumakay sa mga safe at sakto sa edad nilang ride attractions may Skyranch Pampanga na magbibigay-galak sa inyo. Ang mga rides ay nasa 50-150 Php na magaan sa bulsa. May offer rin sila kung gusto niyo ng ride all you can.Follow them or search their social media accounts para sa marami pang detalye. Ang Skyranch Pampanga ay para sa lahat. Malawak ang bahaging ito ng SM Pampanga at kaysarap libutin para sa iba't ibang atraksyon. Iminumungkahe kong 4:30 pm mas magandang libutin ang skyranch pampanga dahil hindi na masyadong tirik ang araw para hindi mainitan at madehydrate ang inyong mga kasama lalo na ang mga bata. Mas mainam din na gabayan ang mga bata kahit pa ala

Ang Pag-Arangkada Ni Kaye Cal at Ng Kanyang Musika

Image
Si Kaye Cal na nga ang isa sa pinakainaabangang Artist ng StarMusicPH na maglalabas ng kanyang self titled album na "KAYE CAL" (March 19, 2017 sa StarMall Alabang 7pm). Maraming Salamat! sa lahat ng naging bahagi ng isang makasaysayang Album Launch ng nag-iisang Philippine's Acoustic Soul Artist . Nagkaisa ang Team Kaye Cal sa pagdiriwang ng masayang gabi ng pagbibigay-buhay sa mga awiting bahagi na ng OPM. Hindi na mapipigilan ang pag-arangkada ng kanyang musika dahil sa pagpapatuloy sa pamamayagpag ng kanyang karera. Patuloy din ang pagsama ng kanyang mga awitin sa hit charts ng iba't ibang radio stations at isa siya sa may pinakamatunog ang pangalan sa Spotify.Ph. Hindi naman maikukubli ang saya ng kanyang mukha ngayong unti-unti nang nabibigyang katuparan ang kanyang mga pangarap. Ang lahat ng mga nangyayari ay isang napakasayang bahagi ng kasaysayan ng buhay ni Kaye Cal at ng kanyang pamilya't mga taga-suporta (TeamKayeCal) na walang sawang sasama

CONSUELO, Macabebe Pampanga Trip 2017

Image
#PampangaTrip2017.             CONSUELO Mahigit isang oras ang aming iginugol marating lamang ang bahaging ito ng Macabebe, Pampanga. Walang mapagsidlan ang aming tuwa sa naabutang tanawin. Dahil sa Low tide ay malaya kaming nakapag-ikot at naglakad sa ilalim ng masayang araw habang ninanamnam ang magandang tanawin at nilalanghap ang malinis na simoy ng hangin.Damang-dama ang init ng tirik na araw subalit mas dama naman namin ang amoy ng karagatang nagbigay-galak sa aming puso. Malaya kaming damhin ang malawak na karagatan at niyayakap ang sikat ng araw na sing sigla ng aming mga pusong naglalaro ang imahinasyon at malayang ramdam ang "Summer"  Kung ikaw ay nasa Pampanga o saan mang panig ng Pilipinas o ng mundo.Inirerekomenda ko ang pagdalaw mo dito nang masilayan ang ganda nito at maibahagi ang galak ng aking puso na alam kong nararapat din sa'yo. (Mangrove tree/Bakawan) Napakasayang makita a