#MarKaye "Markki Isang Kaye Cal Fan"

#KayeCalArticles 13

#MarKaye

       Isang Instagram post na naman ni Markki nito lamang July 5, 2016 ng hapon ang nagpakilig sa nakararami. Kinilig na naman ang mga team Kaye Cal at team MarkKaye o MarKaye sa caption ni Markki. Aminado ang Hunk Jazz Singer na isa siyang Kaye Cal "The Voice of Soul Fan" at alam naman natin na may pinagsamahan sila mula pa noong PGT Season 1 (2010).

Napakaraming natutuwa sa pagkakaibigan nina Markki at Kaye kung saan tuwing sila'y magkasama o nagkasamang muli sa mga live guestings o TV shows ay may kakaibang nararamdaman ang mga Team Kaye Cal at Team MarKaye. Napakaraming mga alaala ang bumabalik. 

Saksi ang Team Kaye Cal at Ezra band fans sa live kilig moments ng dalawa noon dahil kay Markki. Nasa Youtube pa ang ilang videos ng Markaye o MarkKaye kaya huwag magpahuli sa pag view.

Nakakataba ng puso ang suporta nila sa isa't isa at makita silang muli na patuloy na umaarangkada sa larangang kanilang ipinagpapatuloy.

Nalalapit na ang Finals ng We Love OPM.Patuloy po nating suportahan ang palabas na ito.
Patuloy po nating suportahan ang mga "Teams" lalo na ang Team Power Chords na patuloy na nagpapakita ng kakaibang galing at karisma para maitaas ang kalidad ng OPM.

Para kay Marrki ituloy mo po ang pagiging #KayeCalFan mo .Maraming salamat sa walang sawang suporta kay Kaye.

Kudos MarKaye!

Abangan pa ang mga susunod na kabanata ng buhay nina Markki at Kaye (MarKaye).

-Sensei Plazo
Instagram:@missplazo_24
@missapplemarieplazo
Twitter:@plazoapplemarie

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤