Posts

Showing posts from July, 2017

KAYEPOP Kaye Cal all.opm.with.Kaye.Cal (Kaye Cal's First Major Concert)

Image
all.opm.with.kaye.cal #KayePop Hinding-hindi na mapipigilan ang Acoustic Soul Artist ng Pilipinas na si Kaye Cal sa kanyang paghahari/pagrereyna sa Music Museum ngayong darating na Agosto. Isang gabi ng tugtugan at kantahan kasama si Kaye Cal ang mangingibabaw sa gabi ng kanyang First Solo Major Concert kung saan napakaraming awitin ang magbibigay saya, kilig at pag-asa sa bawat damdaming bubuhos sa gabing ito. Ilang araw pa lamang nang buksan ng Ticketworld ang pagbebenta ng Kayepop tickets ay nakakamanghang sa ilang minuto pa lamang ay Sold-out na agad ang VVIP (2500) tickets.Isang patunay na isa si Kaye sa pinakainaabangang magcoconcert hindi lamang sa Maynila kundi sa iba pang panig ng Pilipinas...maging ng ibang panig ng Mundo.Aminado kaming Teamkayecal sa tuwang aming nadarama sa tuwing may aabangang gig at konsyerto si Kaye Cal. Bukod sa napakalaking konsyerto ay inaabangan na rin ang kanyang nalalapit na pagrerecord ng kanta sa ilalim ng isang international p