#FeaturedKayeCalFan -Jane Corpuz

#FeaturedKayeCalFan -Ms.Jane Corpuz


             Walang makakapagpaliwanag sa ibang tao na patuloy na kumikwestiyon kung gaano kahalaga ang pagpapahalaga ng mga solid "Fans"  sa kanilang iniidolo hanggat sila mismo ang makakaramdam nito upang maniwalang napakasarap sa pakiramdam ang humanga sa isang magaling na mang-aawit at maging solid supporter nito.

             Hindi biro ang maging isang tagahanga.Gagawin nila ang lahat masilayan, marinig at mapansin lamang ng iniidolo.Maswerte na ang makatanggap ng mensahe o may makilalang kapwa tagahanga na magiging daan upang ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa pagsuporta sa iniidolo.Isang napakalaking bahagi na ng araw ang napasaya at nababago ng isang di-inaasahang pakiramdam sa tuwing napapansin kahit papaano.

             Si Jane Corpuz ay isang "Solid" team Kaye Cal fan na kapag may bakanteng oras ay walang sawang sumusuporta sa The voice of SOUL ...patunay dito ang pag follow niya sa halos lahat ng Team Kaye Cal supporters sa iba't ibang panig ng Pilipinas at maging sa ilang panig ng mundo.


         Isa lamang si Ms. Jane sa mga inspiring Filipino na nasa UAE at patuloy na naglalakbay tungo sa pag-abot ng kanyang mga magagandang pangarap sa buhay. Isa siya sa libu-libong tagahanga ng boses ni Kaye na walang hatid kundi kagalakan sa oras ng pangungulila at liwanag sa isipang napadidilim ng mga di-magagandang pangyayari sa buhay.


Isa rin siya sa masugid na nagbibigay suporta via social medias at masaya siyang nagbabahagi ng kanyang mga komento na napakasarap sa pakiramdam.

Nasa ibaba ang ilang nakakatuwang komento niya tungkol sa inyong lingkod.


Salamat Ms.Jane Corpuz sa patuloy na pagsuporta .Ang Diyos ay laging nasa tabi nating lahat upang gabayan tayo sa bawat magagandang hangarin natin sa pagsuporta sa ating mga minamahal.

-Sensei Plazo
Instagram:@missplazo_24
@missapplemarieplazo




Comments

  1. Wahhhh ang puso q,tenchu pu ng mdaming madami.naifeature mu q..haha kala q joke joke lang.tuwang tuwa ung heart q promise.
    Sana ma meet kita pag uwi q.muah muah more.

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa OPM at sa ating Voice of Soul :) Opo sana someday mamimeet ko lahat ng co-KayeCal fans :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤