Paboritong Kulay ng T-shirt (Sensei Plazo's top Picks)

Black X White

(Itim at Puti)

           Maulan man o maaraw wala nang mas kokomportable pa sa pagsuot ng simpleng T-shirt. Kapag maulan o malamig ang panahon patungan lang ng jacket pwede na at komportable na. Kapag medyo mainit naman o sadyang napakainit ng panahon maaari mo siyang suotin sa normal na araw at mga lugar na hindi naman kailangang magdamit ng pormal.

           Ang paborito ngayong kulay ng T-shirt ay ang itim at puti kung saan kahit sino ay magmumukhang malinis tingnan at mabango.




Cap: Marks & Spencer
White Shirt: SM Dept. Store
Graded eyeglasses: Perez Optical
Choker: Broadway Gems

Eyeglasses: i2i
Black Shirt: Popstar
Stainless Steel Bangle: Robinsons Dept.Store

           Mahilig ako sa T-shirts na kulay Grey pero mas nahihilig ako ngayon sa kulay itim at puting mga damit at T-shirts kung saan di ka mawawala sa uso at komportable ka pa sa suot mo. Kahit ano ang ipapares mo ay bagay na bagay mapa maong o kung ano pa mang stylish jogger pants o colored pants ngayon.

           Habang may bakante akong oras ay naisipan kong magpictorial at naisipan kong gawin ang artikulong ito.




Ikaw pa rin ang makakapagsabi at desisyon mo pa rin kung ano ang pinakakomportableng pananamit ang gusto mo. HINDI mo kailangang makisabay sa uso at hindi mo kailangang mabaon sa "Old Style" dahil wala namang lumang style...pabalik-balik lang ang mga uso kaya huwag kang mag-alala ..."Just Be Yourself" at tiyaking komportable ka sa suot mo.

-Sensei Plazo
Instagram:@missplazo_24
@missapplemarieplazo







Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤