Kumusta Ka Na? Isinulat ni Sensei Plazo

                                    KUMUSTA KA NA?   ni Apple Marie Plazo


May tatlong salita talaga na kapag nabuo ay kaysarap itanong lalo pa't sa sarili mo ito tipong itanong. Ito ang "Kamusta Ka Na?"

Isang tanong na napakadaling itanong.Bidang-bida sa pagsisimula ng isang usapan. Patok sa text at chat.

Isang tanong na napakadaling itanong subalit napakahirap ng maaaring sagot.

Isang tanong na nagtataglay ng napakaraming sagot.

Isa ang "Kamusta Ka Na?" sa pinakamahirap na punto ng pagkakataon kung saan kapag ito'y naitanong sa'yo ay mapapaisip ka talaga kung ano ang kalagayan mo. Mapapaisip ka kung KAMUSTA Ka NA NGA Ba? O Kamusta ka ? (How are you?).Isa ito sa pinakamahirap na tanong na magbubukas ng napakaraming karanasan kung kaya't ito'y may mahabang daloy dapat ng pag-uusap na idinadaan lamang sa maikling sagot na OK/Okay/Okey Lang!, Ayos Lang/Ayos lang naman o kaya'y mabuti naman sabay ngiti o sabay emoji sa dulo gaya ng makikita sa texts o chats.

Ang tanong totoo nga bang OK ka lang? O may itinatago kang mahabang sagot sa tanong na ipinukol sa'yo ng harapan.Ayos ka nga lang ba? O kaya'y mabuti ang kalagayan mo sa ngayon?. Totoo ba...

Ito ang ginusto kong itanong sa sarili ko ...Ito ang daan upang malaman ang Totoo.
Kamusta na ba AKO?...Ikaw Kamusta Ka?

Ibabahagi ko ang ilan sa mga ginawa ko na gusto ko ring gawin ninyo.

1. Tanungin ang Sarili (Ask Yourself). Lagi ka na lang nangangamusta sa iba tapos mismong sarili mo nakakalimutan mo nang kamustahin.

Tiyak maraming tanong ang nasa puso't isip na masasagot lamang kapag magninilay-nilay

2 Kumuha ng Kwaderno o Notebook. Isulat sa kwaderno o Notebook o kaya sa isang Diary/Journal ang iyong mga tanong at mga saloobin.Sagutin ang mga tanong ng tapat.

Isusulat mo ang iyong mga sagot upang mabalikan o hindi malilimutan ang iyong mva itinala mula sa mga panahong ikaw ay nagnilay-nilay . (Let your answers help you realize something and learn from it.)

3. Magtala ng 10 o sampung negatibong dahilan ng pagkalungkot o kaya'y paghihirap na naging ugat ng problema na nagpapabigat ng kalooban mo.

4. Iwasang maging negatibo sa tulong ng paghahanap ng positibong bunga mula sa mga mapapait na problema't karanasan.

Mag-isip ka kung paano mareresolba ang mga problema sa tulong ng positibong pananaw.

5. Magtiwala at Mahalin ang Sarili (Trust and Love Yourself) at higit sa lahat huwag kalimutan ang Diyos at magdasal (Trust God and Pray).

6. Gawin mo muli ang ganitong pangangamusta sa sarili mo kapag mag-isa ka o may "ME-time" ka para malaman mo ang sagot sa tanong mo...Kailangan mo malaman ang kalagayan mo para hindi ka sumabog sa matagal na pagtatago ng tunay mong nadarama. Huwag kimkimin ang Kasawian o Kagalakang nadarama.

Nasanay na tayong  mangamusta sa mga taong nakapaligid sa atin. Lalo na sa mga taong malalapit sa ating puso na kapitbahay lang o kasama sa tahanan o maging milya-milya man ang layo nila ay di natin nakakalimutang alamin ang kanilang kalagayan.

Hindi naman pagiging makasarili ang KAMUSTAHIN ang sarili dahil para rin naman ito sa kapakanan ng nakararami.

Ngayon naisip mo na bang kamustahin ang iyong sarili? Aba! Mabuti :)
Tiyak marami kang malalaman mula sa iyong sarili.
Puso mo ay gagaan.

Tao lang naman tayo at normal ang maging Okay at Hindi Okay .

Napagtanto ko sa buhay na totoo nga pala talagang "Life is like a battlefield" kaya kailangan marunong kang humarap ng kahit anong pagsubok at kaya mo dapat lumaban para sa sarili at mga tao sa paligid mo.

Ang kailangan natin ay " lumaban ".

Kapag tinatanong ko ang sarili ko kung " Kamusta Na Ako?"  ang sambit ng puso ko ay " Heto ako...patuloy na lumalaban."

Ikaw, Kamusta ka na KAIBIGAN?

                  -A.M.P./SenseiPlazo-




-Sensei Plazo-
Instagram: missplazo_24
       missapplemarieplazo
Twitter: @plazoapplemarie
E-mail: applemariesevellejo@yahoo.com









Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan