Kaye Cal: Isa sa 100 top Youtubers sa Pinas

#KayeCalArticles 16

Top 60
KAYE CAL 

Sa ganda ng boses at nakaka-LSS na mga awiting binigyang-buhay ni Kaye Cal hindi  ka magsasawang pakinggan ang kanyang mga "covers". Mapa OPM man o malabanyagang awitin di maitatago ang galing ni Kaye sa paghahatid ng magagandang acoustic style sa mga awitin.

Isa si Kaye sa kilalang patuloy na nagniningning na bituin sa youtube at telebisyon.


Sadyang kitang-kita sa kanyang youtube channel ang napakaganda niyang mukha at tinig na naging daan upang tumaas pa ang bilang ng kanyang mga tagasubaybay.

Hindi na maitago ang milyun-milyong views ng mga videos o covers ni Kaye dahil sa solid viewers at listeners na halos gabi-gabi o araw-araw na nakikinig sa mala anghel nitong boses.

Marami na ang tumatambay sa kanyang youtube channel ...hindi lamang mga tulad kong team Kaye Cal dahil pati mga Ezraelites at mga bagong tagasubaybay ay lalo pang dumadami.
Aminado ang nakararami sa walang mintis na pagsuporta sa nag-iisang Kaye Cal ng OPM.

Patuloy po nating suportahan ang awiting Pilipino o OPM. Patuloy po nating suportahan ang Voice of Soul bilang isa sa pag-asa ng musikang Pilipino.

Marami pang kaabang-abang na Covers si Kaye kaya " Subscribe " na sa youtube channel ni Kaye.

-Sensei Plazo
Instagram:@missplazo_24
@missapplemarieplazo

---------
Instagram: @kaye_cal



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤