Posts

Showing posts from July, 2016

Top 7 Lippie Brands (Sensei Plazo's Top Picks)

Image
Kailangang maging presentable sa lahat ng oras lalo na kapag ikaw ay may lakad o kaya'y papasok sa trabaho...depende ang ayos sa kung ano ang "Event" o kung saang lugar ka pupunta. Mahalagang Paalala:  Hinding-hindi ka bibiguin ng mga ito at mabibigyan ka pa ng dagdag confidence pero kailangang maging maingat at kailangang sigurado ka sa kalidad ng mga produktong iyong ginagamit. Kung make-up ang pag-uusapan ...hindi na mabilang ang mga make-up at lipstick brands na ating maaaring masubukan. Sa bahaging ito ay ibabahagi ko ang aking top 5 lippie  brands na maaring kukumpleto rin sa iyong araw ...may okasyon man o wala. Sensei Plazo's Top 5 Lippie Brands Top 1 MAC Ang MAC Cosmetics ay isang kilalang kompanya sa iba't ibang panig ng mundo . Isa ito sa pinakakilalang make-up at lipstick brand na may napakaraming tagasubaybay at tagapagtangkilik dahil sa napakaraming mapagpipilian na  "Shades" ng lipstick. May branches p

Hugot Mode ni Sensei Plazo "Kaye Cal"

Image
#KayeCalArticles 16 Kapag nakikita ang mga post ni Kaye Cal sa Instagram halu-halo ang reaksiyon ng mga Team Kaye Cal ...nakakatuwa at nakakabilib silang mag-isip ...kaya sinubukan kong bumuo ng mga "hugot lines" na naiisip ko kapag nakikita ang larawan ni Kaye at naririnig ang mga awiting inaawit niya. (Babala: Medyo Korni pero mula ito sa aral ng buhay) -Ang ganda ng mukha ni Kaye- "Oo nga sana naging mukha niya na lang ako para mapansin mo na nandito lang ako simpleng nagmamahal sa'yo" -Paano ni Gary V.  ba yung isa sa paborito mong cover song ni Kaye?- "Paano? Paano ko makakalimutan yun at hindi magiging paboritong cover niya kung iyon ang nagpaalala sa'kin kung gaano kasarap magmahal ng tulad niya" -Mala-anghel ang boses ni Kaye- "Kailanman hindi ko pinagsisihan noong isang araw na narinig ko siyang umaawit sa telebisyon.Anghel nga siya at nasalba niya ang aking pusong nabaon" -Nawala ang bracelet

Top 5 Nakaka-LSS Himig Handog 2016 Songs (Sensei Plazo Top Picks)

Image
#KayeCal #Nyebe #Starmusic #HimigHandog2016 #KayeCalonhitcharts      Araw-Araw may mga awiting di natin mapigilang pakinggan at paulit-ulit na sinasaliwan. Bukod sa kagustuhang awitin ang mga  ito habang pinapakinggan ay ninanamnam din natin ang nilalaman na sadyang tagos sa puso ang mensahe.                             Top1 NYEBE -Kaye Cal  Paulit-ulit itong gumigising sa ating mga natutulog na alaala. Yung tipong para sa'yo ang awit at naging daan ang mga kompositor at mga mang-aawit upang bigyan ka ng bagong pag-asa. Ito ang Top 5 Nakaka-LSS na awiting Nasa aking playlist. Top1- NYEBE Interpreter: Kaye Cal Top2-AMBON Interpreter:Barbie Almalbis Top3-MONUMENTO Interpreter: Kyla at Kris Lawrence Top4-MANANATILI Interpreter:Janella Salvador at Marlo Mortel Top5-DALAWANG LETRA Interpreter: Itchy Worms Ito ang aking mga "Hugot" mula sa mga sumusunod na awitin: "Nyebe" Sa pamagat pa lamang ay punung-puno na ito ng mga malalalim na men

Kaye Cal: Isa sa 100 top Youtubers sa Pinas

Image
#KayeCalArticles 16 Top 60 KAYE CAL  Sa ganda ng boses at nakaka-LSS na mga awiting binigyang-buhay ni Kaye Cal hindi  ka magsasawang pakinggan ang kanyang mga "covers". Mapa OPM man o malabanyagang awitin di maitatago ang galing ni Kaye sa paghahatid ng magagandang acoustic style sa mga awitin. Isa si Kaye sa kilalang patuloy na nagniningning na bituin sa youtube at telebisyon. Sadyang kitang-kita sa kanyang youtube channel ang napakaganda niyang mukha at tinig na naging daan upang tumaas pa ang bilang ng kanyang mga tagasubaybay. Hindi na maitago ang milyun-milyong views ng mga videos o covers ni Kaye dahil sa solid viewers at listeners na halos gabi-gabi o araw-araw na nakikinig sa mala anghel nitong boses. Marami na ang tumatambay sa kanyang youtube channel ...hindi lamang mga tulad kong team Kaye Cal dahil pati mga Ezraelites at mga bagong tagasubaybay ay lalo pang dumadami. Aminado ang nakararami sa walang mintis na pagsuporta sa nag-iisa

Team Power Chords For Finals

Image
Let's support Team Power Chords Online later... Via Online Voting and Via Social Networking Sites... Let's wait later for the official hashtags for tonights We Love OPM Highlights :D Go Team Power Chords! Kaye Cal Marion Aunor Marlo Mortel Coach Nyoy Manalo man o hindi nandito lang kami to support the best Team with pure performances like The Team Power Chords. More Power Team Power Chords!!! Go Team Kaye Cal 

Power Chords : Kaye Cal Marion Aunor Marlo Mortel

Image
#KayeCalArticles 15      - Abangan Ang Team Power Chords! POWER  CHORDS (Coach Nyoy x Kaye x Marion x Marlo)    Sadyang kaabang-abang ang Team Power Chords mula noong simula ng We Love OPM  hanggang semi-finals nito. Sana umabot sila sa Finals at iyon ay isang kapana-panabik na tagpo. Wala silang sinasayang na performances at palaban kung palaban. Hindi nawawalan ng pag-asa sa pagbibigay ng di-matatawarang pagmamahal sa musikang Pilipino.    Isa ang Team Powerchords sa pinaka inaabangang nawa'y maging isa sa magkukumpleto sa mga grupong lalaban sa Finals Night ng We Love OPM. Taglay ng grupo ang mga kakayahang hindi taglay ng ibang grupo kahit ang lahat ng kabilang sa palabas ay sadyang magagaling iba talaga ang hatak at hatid ng Power Chords. Sila ang pinakamagaan magtanghal pero may kakaibang tatak sa OPM Industry.    Manalo man o hindi ...panalo pa rin ang team Power Chords sa puso ng nakararami. Patuloy na suportahan ang Team Power Chords lalo na sa