Kaye Cal (Two Hearts Wattpad Story- Ang Pagtatapos )

Ang Pagtatapos Ng Two Hearts (Wattpad Story) ni simply_author
(July 2016)



    Parang kailan lang nang basahin ko ang kwentong ito mapa-umaga at gabi simula noong buwan ng Hunyo hanggang matapos ang Book 2 nito. Tama natapos na ang Book 2 at medyo nakakabitin pa ang katapusan nito kung kaya't sana nga ay may Book 3 pa o kaya'y may karugtong pang istorya tungkol sa buhay ng KayeAh.

    Hanggang ngayon ay ibang kilig pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing binabalikan ko ang mga magaganda at mga kaabang-abang na tagpo nina Kaye, Reah, Nicky at Kim na naghatid sa atin ng mga hindi inaasahang twist sa kwento.

     Tunay nga namang may mga Kaye, Reah, Nicky at Kim sa mundo... magkaiba man ang pagkatao ng mga karakter na ito ay naipakita naman nila na kahit sino ka pa...Pag-iibig ang bubuo sa pagkatao mo at sadyang may mga plano ang Diyos tungkol sa buhay at buhay pag-ibig mo. Hindi mo aasahan na sa simpleng araw ay makikilala mo ang magpapabago ng daloy ng buhay mo na aakalain mo sa una ay isang pagkakamali o napakapangit na yugto ng buhay mo. Iyon pala ang swerte mo sa huli.

     Para kay simply_author.Salamat sa nabuong kuwento.Napakaraming nalibang at nakadama ng iba't ibang emosyon at nagising sa mga aral ng buhay na nakapaloob sa buhay ng bawat karakter. Patuloy naming aabangan ang mga susunod mong likha simply_author.Maraming Salamat.

                                                                       -Sensei Plazo






Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤