Posts

Showing posts from August, 2016

KAYE CAL MUSIC

Image
#KayeCalMusic ❤KAYE CAL MUSIC ❤ (Soulful Music) (cto.pic Kaye Cal and TeamKayeCal) Isa sa pinaka tumatak na boses ngayon sa larangan ng OPM ay ang boses ni Kaye Cal. Kaya naman ...marami na ang nagsasabi na 'Hindi kumpleto ang araw nila kung wala ang Kaye Cal Music' mapa cover songs o orihinal man niyang awitin ay talagang nakaka LSS dahil sa lamig ng boses at kakaibang hugot mula sa kaluluwa ng mang-aawit. Damang-dama nito ang awit kung kaya't lalong mas nararamdaman ng tagapakinig ang mensahe ng awitin. Marami ang nagsasabi na si Kaye ay may "Unique Voice" kung saan maari kang maging emosyonal sa pakikinig sa kanya habang siya ay umaawit lalo pa't kung ang kanyang inaawit ay tungkol sa pag-ibig. Natural at simpleng-simple lang sa mang-aawit ang pagkanta habang tumutugtog ng gitara  na lalo pang nagpapaganda sa dating ng kanyang musika. Ang genre ni Kaye Cal ay karaniwang Acoustic dahil swak na swak ito sa kanya.Napaka

#KayeCalPoem by Rose "Mhelot" Pablo

Image
#KayeCalPoem by Rose "Mhelot" Pablo

MOR 101.9 Pinoy Music Awards 2016

Image
Ang MOR 101.9 ay isang sikat na Radio Station ng ABS-CBN kung saan ito'y bukambibig ng napakaraming tagapakinig dahil sa hatid nitong saya para sa lahat. Hatid nila ang mga awitin at mga kwento na bubusog sa puso at isip ng bawat isa. Hindi na mabilang ang tagasuporta nito. Hindi na rin nagpapaawat ang mga DJ sa pagpapatugtog ng mga magagandang awiting Pinoy mula sa mga mang-aawit na Pinoy. Ang hangarin nila ay mapaunlad at mas makilala pa ang OPM at mabigyang-halaga ang mga ito kasama ang pagkilala sa mga komposers at singers na laging kabilang sa Hitcharts.  Batiin natin ang mga nanalo sa taong ito... Ipanalo ang Musikang Pilipino! Ika-7 buwan ng Agosto nang magtanghal ang napakaraming mahuhusay na mag-aawit para sa isang gabi ng MOR Pinoy Music Awards na ginanap sa Kia Theatre sa Cubao. Dinagsa ito ng napakaraming tao.Bukod sa Free Admission ay napakaraming tao ang nabigyan ng libreng kasiyahan dahil sa gabing iyon na hinding-hindi kailanman malilimutan. I

#KayeCalPoems by dona_d_explorer

Image
#KayeCalPoems Isa sa layunin ng aking paglikha ng blogspot na ito ay upang makatulong na makapagbahagi ng mga natatanging likha mula sa inyo. Isang napakalaking tiwala ang ibinigay sa'kin ng mga nagbabasa ng aking artikulo sapagkat ...isa ako sa pinagkatiwalaan upang maibahagi sa nakararami ang kanilang mga likha para sa kanilang iniidolong mang-aawit. Sa lahat ng mga mambabasa ng aking blogspot inaanyayahan ko kayong magbahagi ng inyong Kaye Cal Poems tulad ng nasa ibaba mula kay Ms.Dona Lil. (Paalala: Para sa mas malinaw na pagbasa paki-click ang bawat tula) Instagram: dona_d_explorer Kung gusto niyo po na maibahagi ang inyong mga #KayeCalPoems maari niyo po na i-Email sa akin ang inyong mga likha.Siguraduhing may nakalagay na pen name sa bawat likha ninyo upang malaman po natin na kayo ang orihinal at ang natatanging nagsulat at lumikha ng tula. E-mail: applemariesevellejo@yahoo