Hugot Mode ni Sensei Plazo "Kaye Cal"


#KayeCalArticles 16

Kapag nakikita ang mga post ni Kaye Cal sa Instagram halu-halo ang reaksiyon ng mga Team Kaye Cal ...nakakatuwa at nakakabilib silang mag-isip ...kaya sinubukan kong bumuo ng mga "hugot lines" na naiisip ko kapag nakikita ang larawan ni Kaye at naririnig ang mga awiting inaawit niya.



(Babala: Medyo Korni pero mula ito sa aral ng buhay)



-Ang ganda ng mukha ni Kaye-
"Oo nga sana naging mukha niya na lang ako para mapansin mo na nandito lang ako simpleng nagmamahal sa'yo"



-Paano ni Gary V.  ba yung isa sa paborito mong cover song ni Kaye?-
"Paano? Paano ko makakalimutan yun at hindi magiging paboritong cover niya kung iyon ang nagpaalala sa'kin kung gaano kasarap magmahal ng tulad niya"



-Mala-anghel ang boses ni Kaye-
"Kailanman hindi ko pinagsisihan noong isang araw na narinig ko siyang umaawit sa telebisyon.Anghel nga siya at nasalba niya ang aking pusong nabaon"



-Nawala ang bracelet ni Kaye-
"Wala talagang permanente sa buhay ng tao.Lahat maaaring mawala, maaaring hingiin o mapasakamay ng iba .Maswerte ka na lang kung may magbabalik nito o babalikan ka pa ng tunay na nagmamay-ari ng puso mo, Oo at sana isang araw handa na siyang muling magbalik sa'yo"


-Nakakahawang ngiti ni Kaye Cal-
"Sa lahat ng nakakahawa ngayon mapa sakit/karamdaman man o ano pa man ...Isa lang ang gusto kong nakakahawa at iyon ay ang nakakahawang ngiti ni Kaye nang maging maligaya naman akong muli"



-Ngiti-
"Sana kasing ganda ng ngiti ni Kaye ngiti ko para mahawa ka at mapatawa agad tulad ng hatid niya sa'yo"



-Gig ni Kaye-
"Buti pa yung gig ni Kaye malapit na eh ikaw kaya kailan ang schedule ng gig mo dito sa puso ko?"



-Kaye Cal Street Team-
"Buti pa ang KCST laging nandiyan para sa mahal nila.Walang sawa kung sumuporta.Walang inaatrasang pila kahit boses pa ay maubos na ...sigaw dito takbo doon pa rin sila.Eh ikaw kaya kailan ka darating at susuporta para sa mahal mo? Kailan mo ipagsisigawan ang suporta mo?"



-Mga mata ni Kaye-
"Kung kakausapin mo ang mahal mo titigan mo mga mata niya parang pagtitig mo sa mga mata ni Kaye. Doon mo makikita kung totoo siya...doon mo makikita kung ikaw ang tunay na nilalaman ng puso niya".


-Instagram ni Kaye_Cal-
" Parang Instagram ni Kaye Cal ang buhay niya at nating mga team Kaye Cal ngayon.Nadadagdagan ng mga bagong larawan ng tagumpay bawat araw ...mas nakikita ang ningning ng bituing matagal nang hindi napupukaw subalit ngayon ay unti-unti nang nangingibabaw"





-Pag-asa Ng OPM-
"OPM nga may pag-asa...ikaw pa ba ang mawawalan nito?!...kapit lang may pag-asa pang darating sa buhay at matutupad mo rin mga pinapangarap mo"




Hindi pa natatapos ang pahinang ito...maari kayong magbahagi ng inyong "Hugot Kaye Cal"
at hindi ko kayo bibiguin ...makikita ninyo ang inyong mga likhang hugot sa bahaging ito.






-*-*-*-*-*-*-*-
Featured Team Kaye Cal's Hugot




Nakakatuwa ang mga nabasa kong komento ng ilang team Kaye Cal tungkol sa kaniyang gitara "Hugot Gitara"

-Gitara-















(To be continued)



-Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo E-mail: applemariesevellejo@yahoo.com

PS. Please support #PushAwardsTeamKayeCal =)
Push Newcomer nominee Kaye Cal


Comments

  1. Magandang Araw Team Kaye Cal!!! Kung may mga Kaye Cal Hugot po kayo ...maari niyo pong i-dm or email niyo po sakin ang mga hugot #KayeCal ninyo sa aking Email: applemariesevellejo@yahoo.com
    .
    .
    .
    Idadagdag po natin sa Team Kaye Cal #HugotMode and I'll give credits.

    Btw. Push po natin yung Push Awards with Kaye as a NewComer by voting online :) and twitting with #PushAwardsTeamKayeCal sa twitter .Thanks

    ReplyDelete
  2. Haha gusto q ung Paano saka ung nawawalang bracelet.👏
    "Buti pa tong microphone anlapit lapit sakin bat ikaw hanggang ngaun hindi parin tau magkalapit..."
    Hugot pa More ni Kaye sa radio interview niya sa catarman,haha.kinilig aq jn.😍😍😀😀

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cool humugot ni Kaye e...haha @nikico kapag may hugot ka pa just PM it to me :)

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤