Posts

Showing posts from August, 2017

#KayePop (Kaye Cal's Successful First Ever Concert)

Image
AUGUST 18, 2017 - isang di malilimutang gabi at pinaka-inaabangang First Ever All OPM Concert ni Kaye Cal sa Music Museum. Sino ba namang hindi mag-aabang sa isang gabing pinakaaasam-asam ng nakararami . Nagsisimula pa lamang si Kaye Cal sa PGT season 1 (2010) ay nakitaan na siya ng Potential na may ibubuga sa concert stage dahil sa kanyang charm at malamig na boses. Bilang isang vocalist ng Ezra Band makikita na sa kanya na siya ang susunod na Golden Voice ng Pilipinas at magiging pag-asa ng OPM.  Sa paglipas ng mga taon ay naging malaking hamon ang tadhana upang mas mapatatag si Kaye Cal at pinatunayan niyang mahal na mahal niya ang musika kung saan nagbalik siya bilang isang solo artist sa tulong na rin ng kanyang manager. Hindi nagtagal ay mas lumawak ang mundo ni Kaye at hindi lamang puro covers ng awitin ang naihahatid sa buong mundo kundi nakakapag Gig, radio tour at mall shows / guestings pa siya. Nagkaroon siya ng mas marami pang tagahanga na tanggap kung sino siya at kung