Top 7 Lippie Brands (Sensei Plazo's Top Picks)
Kailangang maging presentable sa lahat ng oras lalo na kapag ikaw ay may lakad o kaya'y papasok sa trabaho...depende ang ayos sa kung ano ang "Event" o kung saang lugar ka pupunta.
Mahalagang Paalala: Hinding-hindi ka bibiguin ng mga ito at mabibigyan ka pa ng dagdag confidence pero kailangang maging maingat at kailangang sigurado ka sa kalidad ng mga produktong iyong ginagamit.
Kung make-up ang pag-uusapan ...hindi na mabilang ang mga make-up at lipstick brands na ating maaaring masubukan.
Sa bahaging ito ay ibabahagi ko ang aking top 5 lippie brands na maaring kukumpleto rin sa iyong araw ...may okasyon man o wala.
Sensei Plazo's Top 5 Lippie Brands
Top 1
MAC
Ang MAC Cosmetics ay isang kilalang kompanya sa iba't ibang panig ng mundo . Isa ito sa pinakakilalang make-up at lipstick brand na may napakaraming tagasubaybay at tagapagtangkilik dahil sa napakaraming mapagpipilian na
"Shades" ng lipstick.
May branches po ang MAC Cosmetics sa halos lahat ng Malls sa buong Pilipinas.
Top 2
Victoria's Secret
Kilala ang Victoria's Secret sa buong panig ng mundo hindi lamang sa larangan ng fashion sense at style dahil may malaking ambag rin sila sa beauty regimen ng mga kababaihan.
Top 3
Clinique
Isa sa pinagkakatiwalaang brand ngayon ng cosmetics ay ang Clinique na unti-unti nang nakikilala dito sa Pilipinas bukod sa Mac, Victoria's Secret at marami pang iba.
Top 4
EB (Ever Bilena)
Isa sa pinakakilalang brand ng cosmetics dito sa Pilipinas ang Ever Bilena.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaari niyong bisitahin ang kanilang Official Instagram account. Available po ang lahat ng kanilang Cosmetic products sa lahat ng malls sa Pilipinas.
Top 5
Monomola (Wow!)
Ang Monomola Wow! ay hindi pangkaraniwang lip color. Nagtatagal ito ng 24 hours at kontrolado mo kung gaano katapang ang kulay na gusto mo dahil napakarami nitong shades na maaaring pagpilian.Ito ay mula sa bansang Korea.
Top 6
F21 (Fashion 21)
Isa sa pinaka affordable lipstick pero napakaraming shades rin ang hatid nila kung saan hindi magda dry ang iyong labi at mayroon pa itong simple at natural na kulay para manatili kang simple ngunit presentable sa tingin ng nakararami.Available ito sa lahat ng Cosmetic Stores.
Top 7
Nivea
Kilalang-kilala ang Nivea sa isa sa mga pinagkakatiwalaang brand para mapanatiling smooth at healthy ang gagamit nito. "Healthy Skin" at "Healthy lips" ang pinakapinahahalagahan nila kung saan lahat ng produkto nila mapa lotion o ano pa man ay sinisigurado nila ang kalidad nito para sa ikabubuti ng lahat ng gagamit.Available ang Nivea Products sa mga Cosmetic at Drug stores sa lahat ng official stores ...at malls .
Napakaraming Cosmetic Brands na ang lumilitaw ngayon...pero wala naman sa brand o sa presyo ang tunay na batayan ng kalidad nito.Nasa tao pa rin na gagamit ang huling desisyon kung ano ang tamang produkto na angkop sa kanya.
Inuulit ko ang mga brands o top 7 lippie brand na nakatala sa itaas ay ilan lamang sa pinagkakatiwalaan ko. Hindi ko ito laging ginagamit pero laging nasa kikay kit ko ang mga ito.
Hindi masama ang maging maingat sa pagpili ng Lipstick.
Ang kailangan ay maging maingat sa mga produktong ginagamit at siguraduhing maganda ang hatid nito sa'yo at hindi allergies.
-Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo
Twitter: @plazoapplemarie
Happy Lipstick Day!!!
ReplyDeleteI love Monomola Wow.👍
ReplyDeleteLove ka rin ng Monomola :)
Delete#endorserangpeg