Kaye Cal "Trending!" July 9, 2016

#KayeCalArticles 14
"Trending"

                 Isang Sabado na punung-puno ng kaba ang nangibabaw sa We Love OPM stage pero ang Team Power Chords ang siyang nagpawala ng stress sa lahat.



               
Isang kakaibang bali sa awitin ng Apo Hiking Society sa awiting "Yakap sa Dilim" ang ibinigay ni Coach Niyoy at ng Team Power Chords kung saan sila ang nanatiling matatag sa kumpetisyon kagabi (Sabado). Nasaksihan ng lahat ang kakaibang galing ng Team Power Chords .Totoo nga namang bawat linggo ay nagiging palaban sila.



Tuwang-tuwa ang Team Kaye Cal sa lahat ng performances ni Kaye. Pero may isa pang nagpakilig kay Kaye Cal at sa lahat ng kanyang team Kaye Cal ...ito'y dahil nagtrending siya sa twitter. At lagi naman siyang trending sa puso nating lahat.


Isa sa pinakamagandang pagtatanghal kagabi ng team powerchords ang pinag-usapan. Nagtrending ang Apo Hiking Society dahil sa palabas at siyempre Trending din si "The Voice of Soul" Kaye Cal. 



Kinilig ang lahat kahit pambata ang tono ng kanta at nakasimpleng white shirt at pajama lang si Kaye dahil sa lutang na "cuteness" sa pag-arte at pag-awit. Isa pa sa nakakatuwa ay napakagaan niyang panoorin dahil sa bawat galaw, awit at titig ay sinasabayan pa ng nakangiting pag-awit sa awiting itinanghal.




Walang mapagsidlan ang galak sa puso ng team Kaye Cal sa pakikiisa sa patuloy na pagsikat ng "The Voice of Soul". Maraming Salamat Kaye sa pagpapasaya sa aming lahat...Binabati ka namin Kaye sa pagiging Trending mo sa aming tenga, puso't isipan.

Sa lahat ng  hindi napagod sa pagsuporta kagabi ...binabati  ko kayo ...Maraming Salamat Kapwa Team Kaye Cal!

-Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo


Comments

  1. Una plang kc ung tingin, pangalawa ung ngiti,pangatlo ung boses...abah...wla na talaga..wla ng makakaawat pa hehe 👏👏👏dbest idol.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan