Top 5 Roadtrip Worthy Places (Sensei Plazo Top Picks)

"Roadtrips"


          Subok na ang mga roadtrips at kung anu-ano pang libangan upang mawala ang mga mabibigat na pasanin sa buhay tulad ng stress at mga problema na bahagi na ng ating mga buhay.




          Sa edad kong 24 taong gulang ay masyado akong nalulong sa mga stress na hatid ng aking paligid kahit na marami ang nag-aakalang wala akong problema o kaya'y pinoproblema sa buhay. Napagtanto ko na hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa pagnanais na makarating sa ibang bansa upang makapagwala o kaya'y magkaroon ng kaliwanagan ng isipan para maibsan ang bigat na nararamdaman.May mga lugar o malalapit na lugar tayong maaring pasyalan o dayuhin upang mapatunayang may mga nakatagong ganda ang ating bansa na maaaring marating sa ilang oras na biyahe lamang kasama ang pamilya at mga kaibigan.

        Minsan dinadaan natin sa food trip pero para sa akin mas masaya ang roadtrip. Siyempre magdala ng food sa roadtrip para mas lalong masaya.

         Ang mga mababanggit kong lugar na masarap puntahan upang magkaroon ng worthy roadtrip ay sisimulan ko sa top 5 at tatapusin ko sa top 1 (Tandaan: Ilan lamang ang mga ito sa aking paboritong lugar at kung may suhestiyon kayo ay maari kayong magbigay ng pahayag sa "comment box" sa ibaba).

                                                                            Top 5
                                                                            Vigan







Top 4

                                                                         Nueva Ecija




Top 3

Baguio City




Top 2

Laguna




Top 1 

Ilocos  (Sur at Norte)





May kuwento ang bawat larawan at may dahilan ang Diyos kung bakit tayo napapadpad sa isang lugar.

Kung inyong mapapansin ay tanging pangalan lamang ng lugar ang aking inilagay at mga pagmamay-ari kong larawan ang inyong matatanaw iyan ay dahil ibig kong kayo mismo ang tumuklas kung ano ang inyong matutuklasan o mararanasan sa bawat lugar na iyan.Alam ko may iba pang magagandang lugar bukod sa aking top 5... Alam niyo ba kung bakit top 5 lang muna? Iyan ay dahil hindi pa natatapos ang aking paglalakbay...ganun din kayo mga katoto. 

Tara Roadtrip pa tayo !!!

-Sensei Plazo
Instagram:@missplazo_24
@missapplemarieplazo
Twitter: @plazoapplemarie




Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤