#KayeCalArticles "Sketches"

#KayeCalArticles 9
Sketches ni Kaye Cal =) 😘



=)




            Mula sa mga interviews hanggang sa Radio Guestings ay hindi ikinukubli ni Kaye Cal ang kanyang kinuhang kurso nang siya ay tumuntong sa Kolehiyo. Ang kanyang kinuhang kurso ay isang magandang daan tungo sa isa niyang pangarap...ang maging isang interior designer. Hindi man niya naipagpatuloy ang Interior Design Career ay masaya naman tayong nakilala siya bilang isang magaling na mang-aawit kung saan hindi lamang mga mata natin ang kanyang napapabusog dahil pati puso't kaluluwa natin ay kanyang nabibigyang galak.




                Habang ako ay naghahanap ng mga larawan ni Kaye Cal sa facebook ay nakita ko ang isang larawang may pirma at sketch ni Kaye Cal. Nakita ko ang galing niya sa larangan ng 
pagguhit na natural sa isang artist na kagaya niya. Napakatalentado niya talaga .




(Cto.)


Tulad ng sketch na yan unti-unti nang iginuguhit ng tadhana ni Kaye Cal ang napakaganda niyang bukas sa larangan ng OPM. Hindi madali ang gumuhit at tulad ng buhay ngayon ni Kaye na sobrang busy magbubunga rin ang kanyang mga pagsusumikap at magreresulta ito ng maganda.Kaya Mo yan Kaye!




May mga araw na si Kaye at ang kanyang manager na isang arkitekto ay nagskeketching bilang libangan. Patunay dito ay ang ilang post nila sa instagram. Ang saya nila tingnan ...isang Arkitekto at isang interior design student. Isang magaling na manager at isang magaling na artist .







(Cto.)

Sana marami pa tayong makitang sketches ni Kaye Cal at sana'y makita natin ang kanyang mga magagandang guhit sa isang music video. Yay! imahinasyon ko nga naman .
Pero kahit ano pa man ang mga susunod na mangyayari sa career ni Kaye ay patuloy pa rin natin siyang suportahan.

Sana nga Solo album at concerts na ang susunod.Ipagdasal po natin yan Team Kaye Cal.


                                                                                            -Sensei Plazo
    Instagram:   @missplazo_24
@missapplemarieplazo

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan