Kaye Cal - The Voice Of Soul

#KayeCalArticles 5

THE VOICE OF SOUL-
KAYE CAL ni Sensei Plazo




Walang Katulad...Walang kaboses...walang hindi kikiligin kapag siya na ang maririnig sa radyo, youtube at maging sa live shows, gigs, at mga TV guestings...Makita pa lamang ang kanyang buhok at gitara iba talaga ang kanyang karisma. Yan ang tatak Voice Of Soul.

Kahit ilang taon na ang lumipas nang makilala ang Ezra Band sa PGT1 ay nananatiling matibay ang mga die hard fan nito upang makinig at sumubaybay sa mga susunod na proyekto ng Ezra  Band. Laking tuwa nga naman ng nakararami nang magsimulang magkaroon ng mga covers ang ating Voice of Soul na ngayo'y unti-unting naging bahagi na ng bawat buhay nating mga Pinoy (aminin...hindi lang ako ang nagpupuyat o napupuyat sa pakikinig at panonood ng Videos ni Kaye Cal upang marelaks at magkaroon ng hanggang tengang ngiti at tagos sa puso at butong kilig bago matulog) .

Iba talaga ang dating ng boses ni Kaye Cal pantanggal stress at bagot. Hindi mo na kailangang maghanap ng ibang pampatulog dahil boses pa lamang ni Kaye ...tiyak gising na ang kaluluwa mo at hanggang sa panaginip ay masaya kang nakikinig at nakikisabay sa indayog ng kanyang mga inaawit.

Si Kaye Cal ang isa sa pinakapaboritong pampagood vibes ng karamihan at alam kong sang-ayon ang Team Kaye Cal na "treasure" ni Kaye Cal. Treasure rin natin si Kaye at panghabambuhay na ito.

Alam ng ating Voice of Soul kung paano ituring ng mabuti ang mga masusugid niyang supporters na hindi na mawawala dahil tulad ko at tulad niya naniniwala kami sa Forever. Forever na ang iyong pagiging Voice of Soul at sasamahan ka naming lahat sa iyong paglalakbay.Kung pwede nga lang makasama ka namin araw-araw ay gagawin namin marinig at masubaybayan lamang ang  pagningning pa ng iyong mga bituin.

Mahal ka namin Kaye.

-Sensei Plazo
(Apple Marie Plazo)
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo





Ilan pa lamang ito sa aking masasabi tungkol sa ating Voice of Soul at alam kong marami pa ang ibig magbahagi ng kanilang komento ng pagsuporta sa ating Kaye Cal "The Voice of Soul" maaari po kayong magbigay ng mga gusto ninyong feedback upang maidagdag po natin sa mga susunod pang artikulo.Salamat po.

You can (Share or repost for Kaye ;) )

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤