Buhay Probinsiya Kasama ang Mga Kaibigan (Nueva Ecija)

Ika-31 ng Abril at ika-1 ng Mayo taong 2016

        Sa Ilang beses na kami'y nag-uusap tungkol sa mga masasayang karanasan ng aming kabataan...kami'y napapadpad sa kwentuhang walang sawang nagpapangiti sa bawat isa sa amin. Habang nakikinig ako'y tuwang-tuwa na nakikinig kung gaano kakulay ang buhay sa probinsiya.

        Ang buhay sa probinsiya ay sadyang napakalayo sa buhay natin dito sa Maynila.Hindi man kasing rangya ng buhay dito sa Maynila ang buhay nila...mas ramdam naman doon ang karangyaan sa piling ng kalikasan .Masarap na simoy ng hangin ay iyong matitikman na wala na rito sa Siyudad.

        Habang masayang nagkukuwentuhan walang maitagong tuwa ang nasa puso namin nang marinig ang mga karanasan na ibig maramdaman rin at masilayan habang ito'y kanilang kinikuwento.

          Isang araw habang sabay sabay na kumakain ay may magandang imbitasyon mula sa isa naming kaibigan ang  nagbigay-galak sa aming puso. May paanyaya na kami'y imbitado sa Piyesta ng kanilang lugar.




Ang masayang plano ng pagbabakasyon ay natuloy nga sa awa ng Diyos. Kami'y pare-parehong abala subalit natuloy pa rin ito kung kaya't kami'y napakasaya dahil ito ang pinaka di-malilimutang biyahe namin na magkakasama.

Doon namin mas nakilala ang isa't isa at naranasan ang buhay na simple subalit napakamakahulugan .Doon namin nalaman ang napakasayang karanasan kasama ang mga kaibigan  na gusto pa naming maulit muli sa suaunod na bakasyaon subalit sa ibang probinsi
ya naman.Sana...


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan