Team Power Chords

#KayeCalArticles 7 "Team PowerChords"

Kaabang-abang na unique performances ng Team Power Chords

         Isa sa pinaka inaabangang grupo sa We Love OPM ay ang Team Power Chords. Kabilang sa Team sina Kaye Cal, Marlo Mortel at Marion Aunor na talaga namang suportado ng nag-iisang Coach Nyoy Volante ng OPM.

       


Unang tapak pa lamang ng grupong ito sa We Love OPM stage ay naramdaman na ng karamihan ang kakaibang talento na maaring maibahagi ng mga ito. Taglay ng Team Power Chords ang unique quality voices at charm na hindi maikukubli sa tatlo lalo na kay Kaye Cal na tinitilian mapa babae at lalaki man o kabilang man sa iginagalang nating LGBT community.

Walang mapagsidlan ang galak sa tuwing dumarating ang Sabado ng gabi dahil sa palabas. Hindi man makakuha palagi ng mataas na marka ang team Power Chords nakikita naman ang kakaibang lakas ng Team kung saan mas lalo silang tumatapang at naging mas palaban sa bawat laban. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at unti-unti nang lumalabas ang kanilang kakaibang lakas tulad ng kagalingan nila sa pag-arte, pagsasayaw, paggamit ng looper at pagtugtog ng musical instruments.






Isa sa hinahangaan ko ngayon  dahil sa palabas ay si Marion Aunor. Napakagaling ni Marion sa lahat ng Sabado't Linggo na inaabangan ko ang Team Power Chords ay kakaibang galing ang ipinapamalas ni Marion. Masaya ako para kay Kaye, Marlo at Marion dahil napakapositibo nila sa pagharap ng mga hamon.

Sa team Power Chords natin magigising ang ating puso't damdamin upang patuloy na lumaban at kahit ano pa ang mangyari o ano pang score o marka ang makuha ay hindi ito hadlang upang tumayo...lumaban....magpatuloy at tumulong.

Kudos Kaye, Marlo, Marion, at Coach Nyoy!
Go Team Power Chords!
Go Kaye at Team Kaye Cal ! 

Patuloy po tayong manood ng We Love OPM .

-Sensei Plazo
(Apple Marie Plazo)
Instagram:missplazo_24
@missapplemarieplazo
Twitter:@plazoapplemarie

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤