#KayeCalArticles "Pick"

#KayeCalArticles 10
 "Pick"



           Isang Pick mula kay Coach Nyoy Volante ang nagpaluha sa akin ngayong umaga...kinikilig ako para kay Kaye Cal...hindi ko maipaliwananag kung bakit pero naramdaman ko yung caption ni Kaye Cal sa kanyang instagram post tungkol sa kanyang "Younger Self" na dati iniidolo lamang niya si Coach Nyoy at napapanood lamang  pero ngayon ay naging malaking bahagi na siya ng buhay nito at bahagi na siya ng buhay ni Nyoy bilang coach sa We Love OPM.


Ang sarap sa pakiramdam kapag ang taong iyong iniidolo ay nakatadhana na pa lang maging bahagi ng buhay mo. Sa hindi inaasahang mga pangyayari hindi sayang ang mga pagsusumikap basta't di ka sumusuko sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Yan ang naramdaman ko ngayong umaga.


       Napaka- humble ni Kaye Cal dahil hanggang ngayon ay binibigyang-halaga niya ang kanyang mga natatanggap sa buhay ... Patuloy niyang pinapahahalagahan ang kanyang mga iniidolo mula pa noong kanyang pagkabata.



Abangan pa natin ang mga magagandang pangyayari sa buhay ni Kaye...patuloy nating pamanghain ang "15-year old" Kaye sa kanyang mga nakakamit ngayon bilang the Voice of Soul .

Patuloy po nating subaybayan si Kaye Cal at ang kanyang mga iniidolo.


-Sensei Plazo
Instagram:missplazo_24
@missapplemarieplazo
Twitter: @plazoapplemarie
Facebook
Apple Marie SevellejoPlazo

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤