Kaye Cal Eatery (One MusicPH) Video naka 1k views Na!

#KayeCalArticles 4 "Kaye Cal Eatery"

1 K Views... Wow!

     Ilang araw pa lamang nang i-broadcast ng ilang netizens ang tungkol sa Kaye Cal's Eatery na may Nyebe halo-halo at Kaye's Caldereta umano ang gumulantang sa mga nagmamahal na Kaye Cal fans. Pero ang Eatery po ay Kathang-isip pa lamang.

     Sa tulong ng One Music Ph ay nabigyang-tinig at nabigyan ng pagkakataon si Kaye Cal na magbigay ng Reaksyon tungkol sa Eatery.Tuwang-tuwa si Kaye na binibigyang reaksyon ang usaping ito at sinagot din niya ang ilang tanong mula sa netizens.Tunay nga namang iba ang Karisma ni Kaye. Lahat ata tatambay sa Kaye Cal's Eatery para makasalamuha si Kaye kapag nagkataong magkakaroon nga nito.

 
(Credits po sa may-ari ng larawang ito at sa OneMusicPH)

Patunay lamang ang  more than 1 K views na ito na patuloy ngang nagniningning ang ating Voice of Soul sa bawat puso nating mga naniniwalang si Kaye ay magbibigay-ligaya sa lahat at siya ring bubuhay sa OPM ...di lamang sa Pilipinas ito'y maging sa ibang panig pa ng mundo.

Marami pa rin ang umaasa sa Eatery na ito.Pero mas masaya kung susuportahan natin si Kaye sa pagpapaunlad ng kanyang larangan .

-Sensei Plazo (Apple Marie Plazo)
Instagram: missplazo_24
missapplemarieplazo

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤