Larawan



   Ang ating buhay ay punung-puno ng mga karanasang hindi malilimutan. May mga karanasang masasaya at malulungkot o kaya'y mga karanasang ibig balikan o kaya'y limutin. Pero aminin...mas masaya kung isipin na lamang ang mga masasayang karanasan upang matabunan ang lungkot na dinaramdam.

    Alam niyo ba kung saan tayo dapat kumuha ng lakas sa tuwing tayo'y nalulungkot? Isang solusyon dito ay ang pagkuha ng larawan. Para sa akin ang isang larawan ay transportasyon tungo sa kaligayahan kung saan matapos man ang isang pangyayari sa ating buhay ay maari mo pa itong balikan sa tulong ng mga larawan. Kahit ano pa man ang camera o cellphone na gamit mo (mamahalin man ito o hindi) kaya mong maging malikhain sa pagkuha ng larawan upang ilabas ang iyong emosyon at makiisa sa tao, bagay o  paligid na iyong kinukuhanan ng larawan.



      Titigan ninyong mabuti ang larawang kinuha at doon ninyo mararamdaman na ang isang larawan ay may koneksyon sa inyong nararamdaman.








...._______......._________.........._________........._________............________...............__________....__
(To be continued)






























                 Instagram: @plazoapplemarie
                                      @ missplazo_24
(Sensei Plazo)






#########
The Art Of Smiling
By Apple Marie Plazo
(Sensei Plazo)

     

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan