Top 7 Lippie Brands (Sensei Plazo's Top Picks)
Kailangang maging presentable sa lahat ng oras lalo na kapag ikaw ay may lakad o kaya'y papasok sa trabaho...depende ang ayos sa kung ano ang "Event" o kung saang lugar ka pupunta. Mahalagang Paalala: Hinding-hindi ka bibiguin ng mga ito at mabibigyan ka pa ng dagdag confidence pero kailangang maging maingat at kailangang sigurado ka sa kalidad ng mga produktong iyong ginagamit. Kung make-up ang pag-uusapan ...hindi na mabilang ang mga make-up at lipstick brands na ating maaaring masubukan. Sa bahaging ito ay ibabahagi ko ang aking top 5 lippie brands na maaring kukumpleto rin sa iyong araw ...may okasyon man o wala. Sensei Plazo's Top 5 Lippie Brands Top 1 MAC Ang MAC Cosmetics ay isang kilalang kompanya sa iba't ibang panig ng mundo . Isa ito sa pinakakilalang make-up at lipstick brand na may napakaraming tagasubaybay at tagapagtangkilik dahil sa napakaraming mapagpipilian na "Shades" ng lipstick. May branches p...