#KayePop (Kaye Cal's Successful First Ever Concert)

AUGUST 18, 2017 - isang di malilimutang gabi at pinaka-inaabangang First Ever All OPM Concert ni Kaye Cal sa Music Museum.

Sino ba namang hindi mag-aabang sa isang gabing pinakaaasam-asam ng nakararami . Nagsisimula pa lamang si Kaye Cal sa PGT season 1 (2010) ay nakitaan na siya ng Potential na may ibubuga sa concert stage dahil sa kanyang charm at malamig na boses. Bilang isang vocalist ng Ezra Band makikita na sa kanya na siya ang susunod na Golden Voice ng Pilipinas at magiging pag-asa ng OPM. 

Sa paglipas ng mga taon ay naging malaking hamon ang tadhana upang mas mapatatag si Kaye Cal at pinatunayan niyang mahal na mahal niya ang musika kung saan nagbalik siya bilang isang solo artist sa tulong na rin ng kanyang manager. Hindi nagtagal ay mas lumawak ang mundo ni Kaye at hindi lamang puro covers ng awitin ang naihahatid sa buong mundo kundi nakakapag Gig, radio tour at mall shows / guestings pa siya. Nagkaroon siya ng mas marami pang tagahanga na tanggap kung sino siya at kung ano ang angkin niyang personalidad.

Nagkaroon siya ng mga nominations, awards, recognitions,Solo Album at naging part pa ng Pop Life Family na naging daan upang maging isang international recording deal holder.Ang lahat ng ito ay nangyaring lahat sa taong ito -taong 2017 pero hindi natatapos ang biyaya kaya ang Kaye Cal ng OPM ay may pa- #KayePop Concert. 





Ang KayePop Concert ni Kaye ang pinaka naging makasaysayang pagtatagpo ng mga awiting naging bahagi ng napakaraming Pilipino at naming mga Team Kaye Cal kung saan ang bawat segundo ng concert ay ginto at lagi naming daing namin ay walang iwanan Kaye, Go Kaye! Mahal ka namin Kaye! at ang iba naman ay tutok sa bawat pasabog na mangyayari. Dumagundong ang nagiging hiyawan sa galak at dumaloy ang luha ng kaligayahan.Ito ang naging dating dahil sa napakasayang gabi ng pagtatanghal at pag-alaala sa mga awiting mas nakilala at muling sumikat dahil nai-cover ni Kaye.

Napaindak si Kaye kasabay ang D Grind dancers at napakilig niya ang lahat sa simple pero nakakakilig na moves.Hindi na niya kailangang sumayaw nang todo para kiligin ang tao dahil konting galaw at ngiti ay natunaw na kami.




#KAYEPOP CONCERT PHOTO GALLERY courtesy of Team Kaye Cal family















Makikita na nagmistulang Grand reunion ang concert mga solid Team Kaye Cal.



Sa Di-malilimutang gabing iyon ay naging bahagi sina Coach Nyoy Volante, Daryl Ong at Migz Haleco na mas lalo pang nagpakulay sa konsyerto.



Noon pa man ay aminado si Kaye Cal na bukod sa kanyang iniidolong si Sir Gary Valenciano ay may isa pang espesyal na Coach Nyoy Volante na kanya ring iniidolo.
Isang masayang kolaborasyon ang ating pakaaabangan mula kay Kaye at Coach Nyoy Volante ang lalabas sa Album ni Nyoy .Aba! Isang awiting aabangan na naman nating lahat.

Wala nang makakatalo sa suporta ng isang pamilya kung si Kaye ang tatanungin isa ang kanyang pamilya sa kanyang inspirasyon upang huwag tigilan ang pag-abot ng kanyang inaasam na tagumpay.

Nasa gabing yaon ang napakagandang ina ni Kaye na aakalain mong isang artista sa sobrang ganda.Napakaganda at napakabait na aura ni Mommy Lau o Ma'am Laura D. Cal ang aming nasilayan. Napakagaan niyang kasama at handa siyang makipagSelfie sa lahat.Alam na kung saan nakuha ni Kaye ang kanyang kabaitan at kagandahang-asal.
Isa ako sa saksi ng mga ngiting nakikita kay Mommy Laura .Mga ngiti ng isang ina na sobra ang pagka-Proud sa anak.




Nandoon din si Kamille "Kamuy" Cal ng National University Volleyball team na bukod sa napakagaling na Atleta ay napakabait ding bunsong kapatid ni Kaye.
Nasa concert din ang isa niyang Tito J at pinsan na si Carl para sa pagsuporta sa nag-iisang Kaye Cal.

Wala ring makakatalo sa Kaye Cal Street Team sa dedikasyong kaya nilang harapin ang bawat pagtahak tungo sa pagsubaybay kay Kaye at wala silang hinangad kundi ang nakakabuti kay Kaye at sa Team Kaye Cal.Saludo po ako sa inyo KCST.



Di naman magpapahuli ang aking kinabibilangang Team...ang Team Kaye Cal na handang bumiyahe ng napakalayo at maghintay ng alas 7:00 para makapasok sa loob ng Music Museum. Walang makakapigil sa mga pusong Team Kaye Cal na tulad namin. Masaya rin na naging magkakaibigan kami agad kahit ilang oras lang na nagkasama kasi naman parang katuwang na namin ang social media sa pagsuporta kay KAYE.







Tunay nga namang nagkakasundo kami.

























With Mommy Laura D. Cal


With Kamuy

With Ms. Tyng

(Para po sa mga magbabahagi pa ng larawan maaari po ninyong i-send sa'kin sa messenger
FB account Apple Marie SevellejoPlazo)


Walang mapagsidlan ang aming paghanga kay KAYE CAL sa kanyang buong pagkatao...mahal na mahal namin siya dahil siya'y biyaya ng Diyos para sa lahat .
 Wala nang makakapagpabago ng paningin ko at ng mga ka Team Kaye Cal ko na Ikaw KAYE CAL ang PAG-ASA ng OPM.

-Sensei Plazo-
Ms.Apple Marie Plazo
Teamkayecal


My socials:
@missplazo_24
Instagram

@plazoapplemarie
Twitter

applemariesevellejo@yahoo.com
Email Address


Follow niyo po si Kaye Cal sa kanyang Official accounts

Instagram: @kaye_cal
Youtube: kayejadecal
Twitter: @kaye_cal

Available pa rin ang kanyang album na Kaye Cal sa digital media stores and record bars.










Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan