Oppa Kaye Cal

Sa gabing punung-puno ng magagandang handog na awitin ay may dumagdag pang nagpakulay lalo sa paghataw ng bawat matang titingin sa kanya at ito ay ang kanyang nakaka-OPPA look sa kanyang kauna-unahang konsyerto sa Music Museum na KAYEPOP all.opm.with.kaye.




 Nagmistulang Hot Korean OPPA si Kaye Cal sa mata ng bawat guests dahil sa kanyang OPPA-inspired looks.

Di na magkarinigan dahil sa walang sawang kilig nang makita ang "Acoustic Soul Artist" sa kanyang opening number pa lang nahatak na niya ang aming puso suot ang wardrobe mula kay Bang Pineda.Salamat din sa stylist @styledbymac ❤.



Lahat ng suot ni Kaye ay bagay na bagay sa kanya pero itong dalawang OPPA Style niya ang tumatak talaga sa aming lahat na mga sumubaybay at nanuod ng Live sa Music Museum.



Hindi lang si Kaye ang sumasayaw sa pagkakataong iyon dahil pati ang puso ng Team Kaye Cal ay napasayaw niya rin.

Tunay nga namang hindi mababaling ang aming suporta sa ganito ka talentado at kagwapong nilalang.

Isa kang mapalad na biyaya ng Diyos sa aming mga mata at puso.Huwag na huwag kang magbabago Kaye dahil kahit anong suot mo Ikaw pa rin ang KAYE CAL na aming mamahalin hanggang dulo.

-Sensei Plazo-
Miss Apple Marie Plazo
Instagram: @missplazo_24

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤