TeamKayeCal Abang na Abang na Sa #KayePop Concert Ni Kaye Cal

Hindi na maitago ang pag-aabang ng mga TeamKayeCal sa nalalapit na #KayePop First Ever major solo concert ni Kaye Cal sa Music Museum ngayong ika-18 ng Agosto.


Ilang araw na lang bago ang nalalapit na concert ay hindi na maitago sa teamkayecal ang pananabik sa kaabang-abang na First Ever Major #KayePop experience. Hindi na makatulog at kabi-kabila na ang countdown at may isa pang nakakabilib na talagang dumadayo at pumapasok talaga sa Music Museum para lalong iparamdam ang nalalapit na concert.
May babiyahe pa mula sa malayong lugar dahil sa pagmamahal kay Kaye Cal.

Kaabang-abang na talaga!
Handang-handa na ring kiligin ang mga team Kaye Cal na tulad ko sa mga awiting tatak KAYE CAL.
Ayon sa mga makikitang videos ng interviews at radio tour informations ay aawitin ni Kaye ang kanyang mga pinasikat na sinulat niya mismong mga awitin tulad ng Walang Iba, Isang Araw, Rosas at Mahal Ba Ako Ng Mahal Ko. Bubuhay din sa #KayePop Concert ang mga awiting na cover na ni Kaye.

Kaabang-abang na rin ang mga special guest performances ng starmusic artists at ni Mr.Nyoy Volante.

Hindi na rin maitago ang umano'y may pasurprise si Kaye na number na may ilang dance steps na usap-usapan na ng lahat dahil sa isa itong pinakaaabangang performance niya sa gabing sadyang magbibigay ng di-malilimutang Gabi para kay KAYE , MS.Kristine , KCST, TKC Admins at Team Kaye Cal (Team Kaye Cal Active members).

Sa mga wala pa pong ticket tawag na po sa Ticketworld 891-9999 for VIP, Patron, and balcony seats.
Sold out na po ang VVIP.

Para naman po sa mga nasa malayo patuloy po kayong mag-abang sa Social Media para sa update at pagsuporta via hashtags or tweeting.Sa mga di makakapunta Mahal na Mahal po namin kayo.Hayaan niyo marami pang next time sabi nga ni Kaye.
Patuloy po nating suportahan si Kaye ...walang magbabago.

-Sensei Plazo-
-Miss Plazo-
Instagram: @missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie







Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤