MOR 101.9 Pinoy Music Awards 2016

Ang MOR 101.9 ay isang sikat na Radio Station ng ABS-CBN kung saan ito'y bukambibig ng napakaraming tagapakinig dahil sa hatid nitong saya para sa lahat. Hatid nila ang mga awitin at mga kwento na bubusog sa puso at isip ng bawat isa.




Hindi na mabilang ang tagasuporta nito. Hindi na rin nagpapaawat ang mga DJ sa pagpapatugtog ng mga magagandang awiting Pinoy mula sa mga mang-aawit na Pinoy.

Ang hangarin nila ay mapaunlad at mas makilala pa ang OPM at mabigyang-halaga ang mga ito kasama ang pagkilala sa mga komposers at singers na laging kabilang sa Hitcharts.

 Batiin natin ang mga nanalo sa taong ito...
Ipanalo ang Musikang Pilipino!



Ika-7 buwan ng Agosto nang magtanghal ang napakaraming mahuhusay na mag-aawit para sa isang gabi ng MOR Pinoy Music Awards na ginanap sa Kia Theatre sa Cubao.
Dinagsa ito ng napakaraming tao.Bukod sa Free Admission ay napakaraming tao ang nabigyan ng libreng kasiyahan dahil sa gabing iyon na hinding-hindi kailanman malilimutan. Isa ang inyong lingkod sa nakasaksi sa mga masasayang pagtatanghal nang gabing iyon.

Isang napakasayang gabi ang hatid ng MOR PMA 2016 dahil sa inihanda nitong mga sorpresa para sa lahat.Kaabang-abang noong gabing iyon ang mga susunod na tatanggap ng MOR Awards batay sa iba't ibang kategorya.

Napakaraming mga mang-aawit na bituin ang nagpabuhay sa aming gunita tungkol sa OPM


Kim Chiu


Kaye Cal

Yeng Constantino

Kyle Echarri

Gloc 9

Daniel Padilla

Daryll Ong

Jolina Magdangal

KZ Tandingan

Morisette Amon
At 
Napakarami 
Pang 
Iba.

Bukod sa mga umawit ay may mga sumayaw rin tulad nina Awra, Rayver Cruz, Zeus Collins at marami pang iba.


Kaabang-abang rin nang gabing iyon ang mga DJ's ng MOR 101.9 na pinaghandaan ang nasabing awards night.Hindi maitago ang kanilang galing sa pananalita at pagdala rin ng kanilang mga kasuotan.

Swak ang Kia Theatre sa lumalaking pamilya ng MOR 101.9 For Life na ito!
Mor Mor (More) years para sa MOR For Life!



Ito ang ilan sa mga kaganapan sa nasabing Pinoy Music Awards na kuha mismo ng inyong lingkod








Isa pa sa tumatak sa akin ng gabing iyon o nang mismong araw na iyon ay "Talaga nga namang kulang ang araw-araw na pamumuhay natin dito sa mundo kung walang musika o kaya'y walang OPM kaya't kailangan nating tangkilikin ang OPM upang hindi ito kailanman mawawala sa ating buhay at maipasa pa ito sa mga susunod pang henerasyon upang matamasa rin nila ang hatid na galak na natatamasa natin ngayon"

Ipanalo ang Musikang Pilipino!
Kudos ABS-CBN at MOR 101.9 For Life!




-Sensei Plazo-
Apple Marie Plazo
Instagram: missplazo_24
missapplemarieplazo
Twitter: @plazoapplemarie




Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan