KAYE CAL MUSIC

#KayeCalMusic
❤KAYE CAL MUSIC ❤
(Soulful Music)





(cto.pic Kaye Cal and TeamKayeCal)

Isa sa pinaka tumatak na boses ngayon sa larangan ng OPM ay ang boses ni Kaye Cal.
Kaya naman ...marami na ang nagsasabi na 'Hindi kumpleto ang araw nila kung wala ang Kaye Cal Music' mapa cover songs o orihinal man niyang awitin ay talagang nakaka LSS dahil sa lamig ng boses at kakaibang hugot mula sa kaluluwa ng mang-aawit. Damang-dama nito ang awit kung kaya't lalong mas nararamdaman ng tagapakinig ang mensahe ng awitin.

Marami ang nagsasabi na si Kaye ay may "Unique Voice" kung saan maari kang maging emosyonal sa pakikinig sa kanya habang siya ay umaawit lalo pa't kung ang kanyang inaawit ay tungkol sa pag-ibig.

Natural at simpleng-simple lang sa mang-aawit ang pagkanta habang tumutugtog ng gitara  na lalo pang nagpapaganda sa dating ng kanyang musika.

Ang genre ni Kaye Cal ay karaniwang Acoustic dahil swak na swak ito sa kanya.Napakasarap naman talagang makinig ng isang musika na sinasaliwan ng tunog mula sa gitara.
Dahil dito mas lumalabas ang boses ng isang mang-aawit na tulad niya kaya't napagtanto ko na kaysarap pakinggan ang isang awitin kapag ito'y nasa "acoustic side" .

Marami ang nahumaling at naengganyong matuto sa paggigitara at pagsusulat ng kanta.Marami ang namulat sa kahalagahan ng OPM.

Kaysarap talaga sa tenga ang Acoustic Kaye Cal Music dahil para kang hinaharana na pampawala ng stress at pampatulog sa gabi kapag sobrang dami ng iniisip tungkol sa buhay.

Sa mga hindi pa napadaan sa youtube channel ni Kaye Cal ...inirirekomenda ko ang kanyang channel para sa inyo.Hindi kayo magsisisi sa pakikinig sa kanya at magbabalik ang mga alaala ng nakalipas. Mababalikan niyo rin ang mga awiting naging bahagi ng inyong kabataan.

Marami na ang tumatawag kay Kaye Cal na "The Voice of Soul" dahil sa kanyang musika o 'Kaye Cal Music'

Patuloy po nating suportahan si Kaye Cal at ang kanyang Kaye Cal Music.






Suportahan ang kanyang patuloy na pagningning bilang isang artist ng starmusic at onemusicph.Abangan ang kanyang mga guestings sa T.V. at mga darating pang Gigs sa lugar malapit sa inyo. Maari kayong maging kabilang sa Team Kaye Cal follow niyo ang Instagram at Facebook ng Kaye Cal Adteam at Team Kaye Cal para sa link upang maging legit Team Kaye Cal.






-Sensei Plazo-
Apple Marie Plazo
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo
Twitter:@plazoapplemarie
E-mail: applemariesevellejo@yahoo.com




Comments

  1. Agree aq,mula ng mbighani aq sknyang boses,nagustuhan q n ng tuluyan ang Acoustic,sa Acoustic kc mas naipapamalas ang ganda ng boses ika nga ni KayeCal isa sknyang interview ey mas nailalabas ang ganda ng boses ng isang artist sa Acoustic. Kaya nman mga kaibigan tulungan nyu pu kami ni Sensei Plazo na suportahan ang ating mahal na mahal na idolong si KayeCal at ang knyang musika.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pag agree @nikico continue Spreading the love :)
      We love Kaye Cal Music

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤