#KayeCalArticle 17
#KayeCalArticle 17
KAYE CAL
"Isang Mahusay na Kompositor at Mang-aawit"
"Walang Iba", "Jacket", at " Isang Araw" ...ito'y mga natatanging awitin na lubhang nagpalugmok at nagbigay buhay rin sa napakaraming tagapakinig sa radyo, youtube at telebisyon.Hindi man lantaran noong nalalaman ng iilan kung sino ang nagsulat at umaawit nakakatuwang ngayon ay unti-unti nang nakikilala ang "The Voice of Soul" na si Kaye Cal o Karen Jade Dimol Cal.
Lingid sa kaalaman ng nakararami hindi lamang mahusay sa larangan ng pag-awit si Kaye dahil napakagaling rin niyang bumuo ng awitin na tiyak na swak sa kanyang boses upang ang lahat ay mabigyan ng natatanging awitin.
Kung ang isang mang-aawit ay nakakalikha ng kanyang sariling awitin at kayang paganahin ang imahinasyon at maayos na nakabubuo ng awitin mula sa karanasan ...hindi maitatago ang Henyo ng isang musikero sa kung paano siya nakakapaghatid ng napakagandang awitin na swak sa panlasa ng lahat lalo na sa ating mga Pinoy.
Isang napakahirap na bahagi ng buhay ng isang musikero ang makabuo ng isa o napakaraming awiting hango sa buhay o buhay pag-ibig man.
Ang lahat ay nakakapagsulat ng awit subalit hindi lahat nakakaantig ng damdamin at nakakakuha ng mataas na paghanga mula sa mga tagapakinig.Walang madaling paraan tungo sa paglikha ng isang awitin dahil kailangang dumaan sa punto na huhugutin mo ito mula sa iyong karanasan at sa mga karanasan ng mga taong nasa paligid mo.Hindi man ako isang sikat na mang-aawit ay sinubukan ko rin ang pagsulat ng mga awitin.Hindi nga madali ang makalikha ng awitin.Kaya saludo ako sa mga taong kayang pahabain ang kanilang pasyensiya makalikha lamang ng isang awiting mula sa puso at nakakabit sa kultura at aral ng buhay.
Sa mga awitin ni Kaye makikita natin ang mapapait na alaala ng nakalipas na pagmamahalan subalit sa gitna ay may mga aral ng buhay na gigising sa natutulog na damdamin na kahit masasaktan ka lang kapag ikaw ay umibig ay may magandang nakalaan pagkatapos nito na tiyak na magdadala sa'yo sa tamang tao na maghahatid ng bagong pag-asa sa iyong buhay. Kahit na nasasaktan ka na...o kahit isang araw lang ang hinihiling mo para magkaayos o makausap mo ito ...ito ay gagawin mo dahil laging may bagong pag-asa na hatid ang Diyos sa bawat yugto ng iyong buhay.
Ang isang awitin ay hindi kailanman magiging buo kung wala ang mga natatanging karanasan ng sumulat nito.
Diyos na rin ang nagtakda kung paanong nakakarinig tayo ng mga awiting tulad ng mga naririnig natin ngayon...ang mga ito'y awiting orihinal na gawang Pinoy.
Hangang-hanga ako sa mga magagaling na manunulat ng awit na di na mabilang ang pinagdaanan makapasa lamang sa panlasa ng producer at mga namamahala ng mga recording agencies o companies.
Nawa'y maraming awitin pa ang lumabas mula sa mga naisulat na awitin ni Kaye na ngayon ay nasa kanyang baul pa lamang. Abangan ang mga likhang awitin ni Kaye sa mga susunod na yugto ng buhay ng "Voice of Soul" na naging malaking bahagi na ng mga Team Kaye Cal at mga susunod pang mga bagong tagahanga.
(Credits sa mga team Kaye Cal na nagmamay-ari ng larawan 1 at 3 )
Ang lahat ng awitin ni Kaye ay maari ninyong ulit-ulitin ...kinukurot man ang inyong puso sa umpisa sa huli naman ay may kakaibang hatid na gaan sa damdamin.
Hindi pa naman huli ang lahat upang bigyan mo rin ng pagkakataon ang iyong sarili sa paglikha ng isang awitin...dahil kung kaya ng iba maaring kaya mo rin.
-Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
@missapplemarieplazo
Darating ang panahon na mauubos ang laman ng baul dahil unti unti nya itong ilalabas at ihahandog sa mga tao lalo na sa mga taong totoong sumusuporta saknya,mga taong hnd xa iniwan at iiwan kahit anung mngyari.
ReplyDelete#KayeCal asahan mu ang pangakong ito,iwan at bitawan ka man nila,nandito lang kami sa likod mu bukas ang bisig sakaling lumingon ka at sasalo sayo kung bibitawan ka nila.
Patuloy tayong maniwala sa kakayahan niya...malayo pa ang kanyang mararating :)
Delete