Thoughts About Social Media Happenings

"Please ...put your phone down!" Lahat yata ng tao napagsabihan na ng ganito.


As we all know nagbibingibingihan tayo sa tuwing makakarinig nito (Aminin mo na bes!) dahil ito ang isa sa mga ayaw marinig ng mga kabataan ngayon but now that Technology took a big part of our (social) daily lives masaya na may halong pangamba na ang hatid ng Social Media...baka hindi na natin makita ang halaga ng personal communication kung halos cellphone at ipad o laptop ang laging kaharap.Nakakatakot na imbes ang phone ang ibaba sa mesa sa panahong may isang nangangailangan ng tulong ay baka mas una pang atupagin ang cellphone kaysa sa kausap.Minsan nauuna pang nalalaman ng mga ka chat ng isang tao ang mga problema kaysa sa mga magulang at kapatid na nasa paligid lamang.
Nais nating maging open sa lahat at yan ang dahilan kung bakit ang halos lahat sa atin ay nakaangkla sa Social Media subalit ang di natin napagtatanto agad ay kung open pa ba tayo sa ating pamilya dahil mas may laman pa ang chat boxes natin kaysa sa kuwentuhang dapat magbuklod sa pamilya.Huwag sana tayong magpakulong sa kung ano mang hawak natin ngayon.Alalahanin may oras ang paggamit ng social media at may oras ka dapat sa Diyos, pamilya't mga kaibigan o sa kung sino pang ayaw mo mawala sa buhay mo."Please ...put your phone down now!"

"Send Nudes" - ito yung magpapahamak sa'yo! .Though you know more about yourself don't let other people know more about you by sending personal photos/Videos of you!.Don't hesitate to unfriend unwanted people who  asks your number and nude photos.Huwag na huwag magtiwala sa mga taong sinasabing mahal na mahal ka dahil walang taong nagmamahal pa rin kahit magkaroon ng gusot sa panig niyong dalawa.In short Gamitin ang utak dahil alam mo kung ano ang tama at mali kapag may itinanim tiyak may aanihin.

"Ipasa sa 25 ka tao...blah blah blah" Alam ko di lang ako ang iritang-irita sa chain messages dahil marami tayo mga bessssss...at ang ayaw na ayaw ko pa ay may mga pagbabantang nangyayari.Yun bang dinadamay pamilya at lovelife mo na kahit wala kang lovelife ay pinapahupa na yung pag-asa mo.Ayos lang magpasa ng message sa marami kung pasko...new year o araw ng mga wasak este Valentines Day. Pwede din bible verses kahit palagi pa ayos lang bes.Please po tantanan na natin ang buhay social media natin sa mga "Ipasa blahblah".

"The Problematic Status". Netizens...nowadays super laman ng news feed po namin ay 80%negative vibes...lahat po tayo may problema.Opo may pinagdadaanan at okay lang mag-share kay " What's on your Mind?" Pero make sure na hindi ka makadamay ng iba.Yun bang problema mong dapat pag-usapan niyo ng personal ay wag na i-status pa.Mas ayos pa yung status na "I need someone to talk to" o "I'm depressed" makita para makatulong kami.We're just a dm (direct message) away.

"Freedom to unfollow". There are people na hindi na good vibes ang hatid or toxic na sa buhay natin so ang first step para mabawasan naman ang mood swings natin kada bukas ng twitter, FB,Insragram at kung ano pang social media account ang meron ka...lagi at lagi kang may Freedom to unfollow unwanted people but make sure to not add them again or regret after unfollowing them...think before you click pa rin.

"Think Before You Click!". Ito ang palaging hirit ng nakararami pero di pa rin maiwasang malabag dahil sa kanya-kanyang rason.May bukambibig lagi ang ganito subalit siya mismo di makapag pigil sa sarili para makapagbully ng kahit sino.Pinapagod ang sarili at di makuntento sa mga bagay o palabas na hindi naman madaling mabuo kung hindi pinagpaguran o pinagkagastusan.Maging mapanuri po sana tayo sa mga pangyayari subalit iwasang ibulalas ang mga  maling pahayag kung wala pa ang mismong magpapatotoo sa Isyu o kung wala ka namang kinalaman o karapatang makialam sa buhay ng may buhay.Matutong lumugar at isiping mabuti kung ano ang mas makakabuti.

"Stop spreading Fake News!". Ang maling pagpapahayag ay magdudulot ng napakalaking dagok sa bansa at sa mga naninirahan dito.Huwag basta bastang maniwala sa mga balitang wala namang kasiguraduhan o pruwebang makakapagpatotoo sa pahayag o problemang kinakaharap.Kung ikaw ang witness siguraduhing wala kang sasabihin kundi pawang katotohanan lamang sa batas upang wala nang mas malaking dagok na makaharap ang bansa o ang mga taong sangkot sa isyu.Pagnilaynilayan ang mga kaganapan sa bansang puno ng kasinungalingan at makikita mong walang di makakalabas na Fake news kung walang Fake people.





A blog by Ms. Apple Marie Plazo
Also known as Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie
Youtube: Sensei Plazo
E-mail : applemariesevellejo@yahoo.com

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan