#TulaNiSenseiPlazo (2018)

Di ko inakala
ni Bb. Apple Marie Plazo

Di ko inakala...
Sa puso ko'y kakatok sa aki'y itinadhana,
Di malaman kung handang harapin na,
Tinutuligsa aking pusong nanghihina,
Babangon na ba mula sa pagkadapa?
Oh Diyos iyong gabay sa kalooban kong magulo
Tanging ikaw lamang makakahupa.

Handa na nga bang balikan
Ang di ko inakalang ipagpapatuloy pa?
Aayon kaya ang tadhana?
O lulugmok na naman ang buhay sa ibang kandungan?
Tulad ng nangyari sa aking nakaraan...
Di ko inakala alay kong oras sa sarili ay matatapos na...
Ngayon na ang pagkakataon upang bumangon na...
Hudyat ng Diyos tila isinasalin na.

Babangon ako...kahit di ko inakalang makakabangon pa.




Bumangon Ka!
Ni Bb. Apple Marie Plazo

Naaalala mo pa ba noong bata ka ...
Nadadapa at nasusugatan ka,
At kung walang kasama at ni isa sa iyo'y
   walang nakakita,
Ang ginagawa mo'y bumabangon mag-isa,
Patagong ninanamnam ang sakit
Hinahabi ang luha ,
Itinatago sa sarili ang pusong nadapa.

Isang umaga, sa putikan ika'y nakatanaw,
Alaala ng nakalipas iyong natanaw,
Hamon ng pagkadapa
May aral palang hatid sa buhay,
Karanasan ng isang bata ay hahabi sa buhay.

Bumangon Ka! Ikaw ang batang iyon Sinta!



Ating Bangka
ni Bb. Apple Marie Plazo

Kaysaklap kung ang dalawang tao'y
Kailangang magkalayo muna bago buhay ay mabuo,
Kailangan ang isa'y sa ibang dako tumungo
Magsasagwan sa kabilang ibayo.

Mahirap na ang bawat isa'y malayo at
Di nakikita ang luha ng isang irog na
gabi-gabi na lang natutuyo,
Pilit na tinitiis diyamanteng halaga ng nasasayang na oras kasama sanang nagsasagwan ang irog.

Bakit kailangang ang dalawang pinagtagpo ng tadhana
Ay pilit ding inilalayo sa katadhana?
Bakit di mapalagay ang puso na habambuhay ang pagsasama?
Di ko maiwasang humingi ng saklolo ang isipang puno ng lungkot at hiwaga,
Kung bakit kailangangan magkalayo ating bangka?
Na dapat sabay nating isasagwan tungo sa pagkakaisa.

Sa ngayon dalawang bangka ang isinasagwan ng ating tadhana,
Ika'y patuloy na lumalarga palayo sa ating bangka
At ako'y maghihintay sa ating pag-iisang dibdib...
Aalagaan ang bangkang para sa atin lamang.





Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan