CONSUELO, Macabebe Pampanga Trip 2017

#PampangaTrip2017.             CONSUELO

Mahigit isang oras ang aming iginugol marating lamang ang bahaging ito ng Macabebe, Pampanga.
Walang mapagsidlan ang aming tuwa sa naabutang tanawin. Dahil sa Low tide ay malaya kaming nakapag-ikot at naglakad sa ilalim ng masayang araw habang ninanamnam ang magandang tanawin at nilalanghap ang malinis na simoy ng hangin.Damang-dama ang init ng tirik na araw subalit mas dama naman namin ang amoy ng karagatang nagbigay-galak sa aming puso.








Malaya kaming damhin ang malawak na karagatan at niyayakap ang sikat ng araw na sing sigla ng aming mga pusong naglalaro ang imahinasyon at malayang ramdam ang "Summer" 











Kung ikaw ay nasa Pampanga o saan mang panig ng Pilipinas o ng mundo.Inirerekomenda ko ang pagdalaw mo dito nang masilayan ang ganda nito at maibahagi ang galak ng aking puso na alam kong nararapat din sa'yo.



(Mangrove tree/Bakawan)

Napakasayang makita ang mga bakawang nangangalaga sa natural na bahaging ito ng karagatan.
Madalas din itong makita sa mga dalampasigang makikita sa ating bansa.
Sumisimbolo sila sa mayamang kalikasan.
Nabubuhay sila para mapangalagaan ang karagatan at mga nakatago pa nitong mga yaman.






Masarap talagang yakapin ang mga biyaya ng Diyos kasama ang pamilya't mga kaibigan.




Kaysarap maramdamang muli ang ganito ka preskong hangin kung saang ang tirik na araw ay nakikisalamuha sa hangin upang hindi masakit sa balat ng mga turistang ibig magsaya sa lugar na ito.











Sadyang kayganda ng biyaya ng Diyos sa atin.
Hinihintay lamang tayo na makita ang magandang tanawing nakatago at naghihintay pang mapaunlad para sa ikabubuti nating lahat.


Isinulat ni Sensei Plazo
-A.M.S.P.-

Instagram: @missplazo_24
Twitter:@plazoapplemarie
Youtube Channel: Sensei Plazo


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan