Ang Pag-Arangkada Ni Kaye Cal at Ng Kanyang Musika

Si Kaye Cal na nga ang isa sa pinakainaabangang Artist ng StarMusicPH na maglalabas ng kanyang self titled album na "KAYE CAL" (March 19, 2017 sa StarMall Alabang 7pm). Maraming Salamat! sa lahat ng naging bahagi ng isang makasaysayang Album Launch ng nag-iisang Philippine's Acoustic Soul Artist . Nagkaisa ang Team Kaye Cal sa pagdiriwang ng masayang gabi ng pagbibigay-buhay sa mga awiting bahagi na ng OPM.




Hindi na mapipigilan ang pag-arangkada ng kanyang musika dahil sa pagpapatuloy sa pamamayagpag ng kanyang karera.
Patuloy din ang pagsama ng kanyang mga awitin sa hit charts ng iba't ibang radio stations at isa siya sa may pinakamatunog ang pangalan sa Spotify.Ph.

Hindi naman maikukubli ang saya ng kanyang mukha ngayong unti-unti nang nabibigyang katuparan ang kanyang mga pangarap. Ang lahat ng mga nangyayari ay isang napakasayang bahagi ng kasaysayan ng buhay ni Kaye Cal at ng kanyang pamilya't mga taga-suporta (TeamKayeCal) na walang sawang sasamahan siya sa kanyang pag-abot ng mga biyaya mula sa Maykapal.


Kani-kanina lang nang magkaroon ng isang pagtitipon para sa media launch ng kanyang album at opisyal na pagpirma ng kontrata sa starmusic bilang daan sa patuloy na pag-arangkada ng music career nito.


(Ang mga larawang ito ay pagmamay-ari ng Star Music Ph)

(Kaye Cal kasama si Sir Rox Santos ng Star Music)


Naging matagumpay ang media launch kasama ang starmusic at producers ng album ni Kaye. Buo rin ang suporta ng manager ni Kaye na si Ms.Kristine Sanao para sa katuparan ng matagal na nating hinahangad na pag level-up ng career ni Kaye na matagal nang nakatadhana.

Tiyak na magugustuhan ng lahat ang mga bagong awiting hatid ni Kaye na siya mismo ang nagcompose na matutunghayan sa kanyang album.Bukod sa mga bagong awitin ay may mga i-rerevive rin siyang opm songs na magpapagising at magpapabalik ng inyong mga alaala tungkol sa inyong buhay pag-ibig.


Paborito ko ang Rosas at Mahal Ba Ako Ng Mahal Ko na orihinal na isinulat ni Kaye Cal.
Ngayon po ay available na ang CD sa lahat ng Record Bars.



Abangan pa ang mga susunod na tagpo sa pag-arangkada ng karera ni Kaye Cal sa pagfollow sa  kanyang social media accounts @kaye_cal (twitter and instagram) at kayejadecal sa youtube.Follow niyo rin po ang KayeCalAdteam sa Facebook at Instagram.

Kitakits po sa mga susunod pang balita tungkol sa ating "Kaye Cal".

Isinulat ni: Sensei Plazo (Apple Marie)
Instagram @missplazo_24
E-mail: applemariesevellejo@yahoo.com
Twitter: @plazoapplemarie
Legit TeamKayecal

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan