#SenseiPlazoDiaries


Ako'y naging isang guro sa isang Akademiya kung saan hindi lamang ako nanatili ng tatlong taon doon tulad ng nalalaman ng nakararami.Sa puso't isip ko'y kasapi pa rin ako at nasa puso ko pa rin ang Akademiya sa kabila ng aking personal na pamamaalam alam kong hindi magpapaalam ang aking pagpapasalamat sa akademiya pati na sa aking mga co-teachers at sa mga batang naging bahagi ng aking First 3 years of Teaching.

Sa aking paglisan sa paaralang yaon ay hindi nagtapos ang mga pagpapahalagang itinanim ko sa aking puso.Panghabambuhay ang mga karanasang aking babaunin at alam kong may malaking plano ang Diyos dahil sinubok niya talaga ang aking tibay at pagpapasyensya sa mga bagay-bagay.Alam kong may mga nakatatak na mga aral sa aking puso ngayon na pinaglalalim ko pa upang maibaon ito at maisalaysay para sa susunod pang henerasyon.

Isang taon na nang lisanin ko ang Akademyang yaon...subalit patuloy itong magiging bahagi ng aking paglalakbay sa pagiging guro.

Kayraming mga tanong sa isipan ng mga batang ayaw akong umalis sa akademiyang iyon tungkol sa aking paglisan.Mga bata ...sadyang may plano ang Diyos para sa ating lahat at sadyang nangyayari ang lahat para sa mas ikakabuti nating lahat.

Masaya ako na ngayong darating na Abril ay magtatapos na sa High School ang unang batch na itinuring ko na ring pamilya dahil bukod sa ilang beses nila akong napalugmok at ilang beses akong nasabihan dahil sa ingay nila ay nandiyan sila para ipadama na mahalaga ang pagtayo sa kabila ng pagkalugmok.Marami talagang hatid na kalokohan ang mga kabataan subalit ang mahalaga'y natututo sila sa mga kalokohan at karanasang kanilang pinagdaanan para maramdaman nila at matuto sila sa kanilang mga pagkakamali.

Sa lahat ng Batch 2017Graduates- High School Department ng SJA
Proud na proud si Miss Plazo sa inyo...
Mahal na mahal ko kayong lahat at alam kong magkikita't magkikita pa tayo.
Hindi man ako makadalo sa gabi ng Graduation Rights ninyo dahil nasa Mindanao ako...
Salamat Sa Pag-unawa.
Salamat Mahal kong Akademya.
Salamat Batch 2017!

Ihanda niyo ang inyong mga sarili sa mas malalaking plano ng Diyos.
Naniniwala ako sa inyong lahat na Maaabot ninyo ang mga 
Inaasam niyong tagumpay sa buhay.
Kudos Johnite Seahorses❤



-Miss Plazo


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤