Isang Pagtitipon Para Kay Pangulong Rody Duterte

Ika-25 ng Pebrero taong 2017 nang muling magtipun-tipon ang napakaraming Duterte Supporters mula sa iba't ibang panig ng bansang Pilipinas para sa iisang layunin.Ang layuning maipakita ang suporta sa Pangulong Rody Duterte sa paglalakbay tungo sa pagbabago.

Di magkamayaw ang mga tao sa Grandstand (Quirino) at punung-puno din ang saan mang panig ng Luneta Park bunga ng nasabing kaganapan.

Nakakabilib na hindi naging magulo at walang nangahas na sirain ang araw na itinakda para sa lahat ng kusang susuporta sa pangulo.

May mga mahahalagang mensahe at mga inihandang awitin at mga speech ang naibahagi sa mga tao at makikitang ang lahat ay nakikiisa.

Habang ako'y nagmamasid sa paligid...nakikita ko ang isang matibay na paniniwala ng bawat taong nakasama namin.Tila naging Family day ang nasabing araw.Masasaksihan ang pami-pamilyang supporters ng ating Pangulo kung saan sadyang mapapabilib tayong lahat para sa Pangulo.

Ang mga tao ay nakadilat buong maghapon hanggang gabi bilang pagbibigay-halaga at pag-aalay ng oras para sa tila REUNION ng mga Duterte Supporters.

Sa lahat ng nakiisa.Maraming Maraming Salamat sa nasaksihan kong pagkakaisa mula sa inyong lahat.

Nasa ibaba ang aking mga kinuhang litrato upang maibahagi ang isa na namang makasaysayang pangyayari sa buhay ni Pangulong Duterte at naming Duterte Supporters.Iniaalay ko ang mga larawang ito sa mga malalayo ngunit ibig dumalo sa araw na ito.











Maaga-aga pa nang kinuhanan ko ang mga kaganapang iyan...kung saan paparating pa lamang ang mga taong nakiisa.

May isang larawan tayong makikita sa isang Facebook page na nagpadala ng larawan para sa ating lahat at ito ang napakagandang larawan

(Credits To The Owner)

Batay sa larawang iyan makikita natin kung gaano karami ang walang sawang supporters ni Pangulong Duterte.

Nakiisa rin ang Cebu at Davao sa isang makasaysayang Prayer Rally and Vigil para kay pangulong Duterte kaya hindi lang yan ang kanyang mga taga-suporta...napakarami pa.

Tayo po ay nasa isang demokratikong bansa at may kalayaan po tayong suportahan ang ibig nating suportahan lalo na po kung alam nating may paniniwala tayo sa plano ng Diyos at sa mga taong ibibigay niya para sa atin at sa ating bansa para sa pagbabago at pag-unlad nito.

Maniwala po tayo at magdasal para sa pagbabago...Magdasal po tayo para sa lahat.

-Sensei Plazo-
Instagram: @missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Gold Delight Ice Cream House