#TulaNiSenseiPlazo 2019
Kaliwa...kanan...wala akong mapagkatiwalaan
Hindi ko alam malalim ata aking pinaghuhugutan
Isa, dalawa, tatlo gulung-gulo ang isip ko
Maniniwala pa ba sa mga tulad ninyo?
Magigising pa ba akong may kapayapaan sa mundo?
O habambuhay na lamang akong ikukulong kasama ang mabigat na tanikalang katabi ko?
Matatalo ko pa ba ang bakal na naglalayo sa akin sa mga gusto kong gawin?
O lalayo paba ang mga gusto ko sanang pursigihin subalit di talaga para sa'kin...
Mananahimik na lamang ba sa mundong tila wala nang umaga...
Mag-iisa na lamang ba hanggang di na gumising isang umaga?
-Sensei Plazo
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Ang dating lumpo...
Ngayon ay siya nang pinakamatalino...
Iyon ang paniniwala ng ibang tao.
Subalit hindi man lamang nila nakita ang pagsisikap nito sapagkat nakapokus lamang sila sa talino.
Mas mainam ang maging masipag mga katoto...
Kaysa maging matalino lamang sa mata ng mga tao tulad niyo...
Hubdan man ng katalinuhan ang bawat isa'y may angking kasipagan...
May angking kadalisayan ang puso upang bumangon sa nagpapalumpong bibig at isipan ng mga nakapaligid na mamamayan.
-Sensei Plazo
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
Kahit saan may nakikita na akong ahas.
Nagkalat sa kaliwa...harap...kanan at likod.
Pailalim pang tumira kapag nakaamoy ng preskong balita't pagbangon.
Tumatawa kasama mo...ang masalimuot pa'y katabi ko sa pagpapatawa iyon pala'y hindi totoo.
Ahas na di na mabilang nagtatago sa likod ng kagandahan.
Kailangang kilatisin nang maamoy kamandag na sa isang iglap tutuklaw sa sangkatauhan.
-Sensei Plazo
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Mahirap pilitin ang sarili kung alam mo namang wala ka ngang pagpupursige...
Bakit nga ba nawalan ng pagpupursige?
Dahil lang naman sa mga taong nang-aapi.
Pareho lamang tayong lahat na nilikha ng Panginoon na hindi perpekto subalit bakit parang ang dali na lamang mantapak ng tao?
Sa katunayan alam naman nating lahat na isang dekada o higit pa ang pagpupursige ng isang tao upang hubugin ang kanyang tiwala sa sarili...bago sumabak sa gyerang di alam kung ano ang tatahakin...handa namang humarap sa mga hamon ...handang matuto ang taong iyon, subalit nasira lamang ito sa bawat segundo ng bawat araw na ipinapamukha sa tao ang kanyang mga pagkakamali.
Dumating sa punto ng buhay ng taong iyon
Na ayaw na niyang bumangon...
Ni bumuka ang mata para makita ang umaga at muling tumawa ni hindi na niya magawa.
Dumating pa sa punto na tinatanong na niya ang sarili kung karapat-dapat ba sa propesyong inilaan ng Diyos para sa kanya.
May punto pa ng buhay niya na nawala siya sa sarili niya...
May pagkukulang na pilit inaalam kung anu-ano pa...
May mga tanong na sinasagot pa hanggang ngayon.
May mga sagot na hindi alam kung tama pa bang isagot doon.
Hindi niya alam kung ipipilit pa ang sarili
sa isang propesyong minumulto pa siya sa araw-araw.
Ibig niyang bumalik.Subalit ang pagpupursiging makabalik ay unti-unti pang sinusulsi ng kanyang mental, emosyonal, pisikal at ispiritwal na bahagi
Upang mas maging handa sa kung ano man ang plano ng Diyos.
Bumangon siya...pinilit ang sarili at naghanap ng bagong mundo.
Subalit sa kasawiang-palad walang tumawag.Lahat ng pagod at hirap ay napako lamang.
Sa ngayon,
Hindi niya alam ang daan ...babalik ba sa dating daan? O tataliwas sa dating daan? O kaya'y gagawa ng sariling daan?
Pagdasal niyo na lang muna ang taong iyon...
Kung sino man iyon.
-Sensei Plazo
ate plazo si Pilipinas Facts tv ito
ReplyDeleteHello Kaibigan! salamat sa pagbisita
Delete