Hangad Ko'y Pagbangon Ngayong 2019

Sa likod ng mga ngiti't matataas na mga pangarap.Isang kaluluwang tulala ang dito'y nananahan subalit ang pagiging Tulala ang tangi niyang naging daan upang magising sa realidad at patuloy na siyang nag-iisip ng malalim at namuhay mag-isa.

Matagal niyang hinimok ang sariling matuto't tumuklas ng bagong mundo't kailanman ay di siya Sumuko.
Di siya Sumuko gaya ng bulung-bulongan sa paligid na hindi pa nababasa ang kanyang buong libro.

Mas nakilala na niya ang sarili niya.
Mas naging mapagmatyag sa paligid
At hindi na nagpapadaya.Ayaw na niyang mapasailalim sa mga dating kinakatakutan
Bagkus Kaya na niyang unawain ang lahat.

Marahil ilan lamang ang nakakaalam ng kanyang madilim na mundo dahil pawang ngiti't makulay niyang buhay ang pawang bumubuhay sa mga Litrato.

Hinihimok niya ang Sarili sa Pagbangong lagi niyang ginagawa Subalit sa kalungkutan niya'y nahuhuli lahat ng sugat at luha.Hindi siya nawala.Hindi lamang siya naniniwala.

Kaya ngayong bagong Taon
Hangad ko'y huwag na sirain pa ang aking Tiwala dahil ngayo'y ako'y tila sanggol na magsisimula sa buhay na winarak ng depresyon.
Hangad ko'y huwag hayaang maliitin ang kakayahang meron.
Hangad ko'y maging malaya...

Nawa'y

Unawain hanggat maari.
Himukin hanggang hiya ay lunukin.
Gabayan hanggang hindi na maalalayan.
Purihin ng totoong papuri.
Hayaan kung nakikitang may sariling pinagsikapan.
Palakasin ang loob na hindi gumagamit ng ibang tao o sa pamamagitan ng hindi pagkukumpara.
Huwag mangangako kung mapapako lang pala.
Makinig dahil may pag-asa.
Huwag pilitin kung alam mong makakasakit ng damdamin.

Xoxo,
SP

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan