Fresh look Ba kamo?

Lip and cheek tint lang pwede ka na magmukhang fresh all day...pero minsan kapag todo ang pagka Oily ng face mas mainam na maghilamos at magpowder to complete the Fresh Look -look.Sabayan mo na rin ng cologne for daily freshness.

Syempre mas mabuti kung alam mo ang estado ng iyong skin.Dapat alam mo ang skin type and color mo.Mas mainam na dermatologically-tested and dapat bagay sa edad mo ang ginagamit mo.

Mas simple mas better dahil di masyadong maiistress ang skin and face mo.

I don't spend hours to freshen up .I'm not a make up fan so i only have some simple kolorete for my face.

Bago ako maglagay ng kolorete sa mukha sinisigurado ko muna na nakaligo o nakapaghilamos ako para malinis ang mukha bago ang lahat ng gagawin.I use Ponds Facial cleanser.

Para sa full face coverage I use the Maybelline clear smooth powder foundation (natural) kapag pumupunta sa mall or bumibisita sa schools.Napaka natural and smooth ng face everytime na nagpopowder ako at no worries dahil kahit pagpawisan ka hindi siya mag ooily.Super steady niya sa face the whole day and ikaw na bahala kung magreretouch ka pa.Basta ako di na ako nagreretouch dahil dry yung skin ko kahit iba yung init ng panahon ngayon.



Para sa lips at cheek ko naman I use Everbilena lip and cheek stain (very red) .Sobrang natural ng pagpapablush sa cheek para kang mestisa lalo na kapag maputi ka and kapag medyo Filipina na filipina ang kulay ng skin mo swak pa rin sa'yo basta wag mo kapalan masyado.Hindi siya dry sa cheek kahit matuyo feel mo pa rin na nagbablush ka kahit di ka magretouch.Swak din sa lips dahil napaka natural niya tingnan.Kung dry lips mo magmoisturizer ka muna (use a lip moisturizer na trusted yung brand para safe).



Kapag di ka naman kontento sa lip tint for your office look kailangan mo talaga ng red lipstick or liquid lipsticks para sa beautiful first impression lalo na kapag mag aaplay ka ng trabaho.I recommend Vice cosmetics or MAC pero depende naman yan sa kung anong brand yang pinagbabagayan mo sa moist ng lips mo.Dapat comfortable and hindi ka allergic.

Para sa daily scent I use Fiona Cologne (Bubbly Pink) or Ellips gel cologne.Hindi ako mahilig sa flowery scent dahil mas bet ko yung fruity scents.





Marami kaming perfume at body sprays sa bahay (Salamat sa mga walang sawang nagbibigay) but I prefer colognes than perfume for daily use. Hindi ako athletic na tao pero pawisin ako lalo na kapag sobrang init ng panahon o kaya'y maraming tao sa paligid ko.

Hindi mo naman kailangang ng maraming kolorete para sa mukha kung di ka naman aatend ng bonggang okasyon sa araw-araw.Mas mainam na maglagay lamang ng sapat na powder o lip and cheek tint para mas bawas na rin sa oras ng pag-aaplay ng mga ito.Minsan kasi nali-late tayo dahil sa mahabang oras na inilalaan sa pag-aayos.



Ito ang simple fresh look hack ko.Eh ikaw ...ano ang fresh look hack mo na pwede mo i-share sa iba...comment down below and start inspiring others.


-Sensei Plazo-
Apple Marie Plazo
Email: applemariesevellejo@yahoo.com
Instagram: @missplazo_26
Youtube: Sensei Plazo

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan