27 THOUGHTS before turning 27

Dalawampu't Pito...hindi lamang ito numero...ito'y isang edad na di ko namalayang maaabot ko.Sa dami ba naman ng pinagdaanan...mula sa buhay na puno ng lubak...tulad ng di inaasahang buhay na madudugtungan pa...dito ko mas lalong ibig pahalagahan ang blogspot na ito na magiging salamin ng aking buhay bago pa man dumating ang aking kaarawan sa ika-6 ng Agosto.





27 Thoughts about Life, Love, Career and Dreams

#1 In Life you can't have everything.Hindi ka magiging SM kung saan "You can have it all".
#2 Its easy to stand tall kapag hindi ka ganun ka "tall" .I mean...kahit ano pa height mo wala yun sa kaya mong gawin dahil kahit ano pa height mo basta may confidence ka at may tiwala ka sa sarili mo You can always STAND Tall and look up to God.
#3 Hindi pinipilit ang happiness.Happiness comes naturally kung masaya talaga ang damdamin mo.You don't have to be happy everyday...just accept sadness the way you feel...wag mo pilitin kung hindi ka na talaga masaya.
#4 "Expect the unexpected". Huwag manghula...o wag ka na magpahula.Magdasal ka at gagabayan ka ni God sa lahat ng mangyayari na hindi mo pa alam.
#5 Hindi mo na magiging kaibigan ang mga taong nakapanakit sa'yo dati.Huwag ka na magpakaplastik na "good friends" pa rin kayo. Erase mo na siya sa buhay mo.
#6 Home means Family pero mas mabuti talaga na wala kayong "Home" sa umpisa para marealize niyo ang importance ng "unity" sa isang family.Try to live na magkakaiba kayo ng lugar like us and my siblings para marealize niyo kung gaano kayo kaswerte na magkakasama kayo ng family niyo sa isang bahay pero puro kayo away at bangayan.Hoping ako na pahalagahan niyo na may bahay na kayo at buo kayong nasa isang bahay dahil pinapangarap ko yan.
#7 After ko maospital...nakita ko kung gaano kahirap sa Ospital.Mabigat sa kalooban na makakita ng mga taong nais pang mabuhay subalit di na alam kung hanggang kailan pa sila mabubuhay.Kaya Live life to the fullest habang buhay ka pa.
#8 Kahit ayaw ng iba na basta basta na lang sinasabi ang "I Love You" sabihan mo pa rin ang mga mahal mo o ang mga kakilala mo nito kahit sa chat o anong way ng communication dahil di mo alam kung kailan sila online o kung kailan sila makakausap muli.
#9 Magpaalam ka kung saan ka pupunta pero gawin mo yun kapag malapit na or to date para pumayag parents mo.(Ang hirap talaga magpaalam lalo na kung strict ang parents so its like maglalaro ka muna or magpapakabait to win your parents "YES" to that lakad.So sa mga makakasama ko sa gala maswerte kayo kapag nakapunta ako...ibig sabihin nun pinaghirapan ko kaya nakapunta ako.)
#10 Hindi sa lahat ng pagkakataon na totoo yung ngiti ng mga taong makakasalubong mo.Lahat tayo may iba ibang punagdadaanan kaya maging mabuti tayo sa iba.
#11 May pagkakataong para kang upos na kandila.Yung tipong ayaw mo na tumayo o tunaw ka na so kailangan mo na talaga mag shape up ulit...kailangan mo buuin ulit sarili mo.Magtravel ka...have some time alone...read books...listen to others stories...Learn from new experiences para mag shape up k ulit at ready ka na to lit up your own and give other people life learnings from your light.
#12 Minsan kailangan mo yung "Now or Never" sa pagkuha ng selfie kasama yung mga taong nakasama mo.Hindi naman dahil vain .Kundi dahil hindi naman natin alam kung may pagkakataon pa ba sa susunod.Ayun kung iniisip mo kung naiisip ko ba mag regret kapag nahiya ako magkaselfie with that someone ang sagot ko ay "Oo" kasi may mga tao talaga na napapalampas ko na magkaselfie kami dahil sa personal matters.Pero baka meant lang talaga na wala kaming picture together.
#13 Everything Happens for a reason.Nasaktan ka ba ngayon? Nabasag ba salamin mo? Di ka ba natanggap sa trabaho? Aba! Baka may dapat ka pang gawing iba o baka may dapat ka pang matutunan o kaya may ibang plano si God sa'yo.Tiwala lang.
#14 Hindi lahat ng 27 years old ay may asawa na o may bahay na o may anak na o may malusog na bank account.Puso nga hindi pa malusog bank account pa kaya?.Aba gusto ko lang malaman mo na don't pressure yourself ...di ka nag-iisa.
#15 Sabi ng iba "Push yourself to the Limit" kaso paano kung ubos ka na? Kaya wag ka basta basta mag push ng push hanggang nasa punto ka na ng buhay mo na mareach mo na yung limit mo at matahak mo na yung unhappy life.Minsan kasi kailangan mo mag chill...kailangan mo magtira para sa sarili mo.
#16 Magtira ka para sa sarili mo.Alam ko ang hirap talaga magtira para sa sarili lalo na kapag public servant ka at breadwinner pa pero narealize ko na hindi naman selfish magtira ng konti para sa sarili dahil someday makakatulong ka rin kapag may itinira ka pa.
#17 May taong magmamahal sa'yo kung sino ka at hindi ka nila iiwanan.So wag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa mga taong di ka naman pinapahalagahan.Mahirap na makipagsiksikan...maiipit o masasaktan ka lang.
#18 Nakakapagod pala mag-isip kung ano gusto mo sa buhay kung wala namang tao na naniniwala sa'yo o magpupush sa'yo na i-pursue yung gusto mo.Akala ko noon kaya naman nating ipush sarili natin...kaso "No Man is an Island" pala talaga so kailangan ng kasama o mga taong susuporta at magpapadama sa'yo na worth it yung pangarap mo dahil di ka nila pababayaan.Naalala mo ba na "It takes a village" para tumupad ng pangarap.
#19 May pangarap ako na alam kong malabo na mangyayari.Hindi lahat ng pangarap o gusto natin ay batay lang sa gusto natin.May ibang pangarap na kailangan ng kooperasyon ng iba gaya ng kung pangarap mo na matupad pang mabuo ang pamilya mo kaso di na talaga dahil naunawaan mo talagang di na pwede.
#20 Hindi mo magagamit ang "top 10 na gusto mo sa lalaki" list mo.Hinding-hindi mo na kakailanganin ng listahan dahil ang puso kapag tumibok ay walang pakundangan.Hindi mo naman mahuhulaan kung kanino titibok ang puso mo o malalaman man lang kung sino ang para sa'yo.Just be yourself and girl please wag ipilit kung di ka ready sa isang relationship.
#21 Be contented on what you have.Sabi ko diba, You can't have it all.Dapat kontento ka kung ano ang bigay ni God dahil yun lang ang para sa'yo.
#22 Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapasaya ka ng Social Media.May buhay pa sa labas.Go out.Magtravel ka on a budget o maglakad ka kahit saan basta makita mo yung reality behind social media.
#23 Have a break.Ang magkarelasyon nga nagbibreak.Ikaw pa kaya na mag-isa lang minsan sa stressful life mo.Give time for yourself.Love yourself.
#24 May mga toxic people na magtuturo sa'yo kung ano ang realidad ng buhay.Na ang buhay ay boring kung wala sila pero hayaan mo sila matoxic ka one time by them at sa susunod don't let them bring you down again.
#25 Kapag gusto mo umiyak.Iyak ka hanggang maramdaman mo na pagod ka na umiyak kaya gusto mo maging matapang ulit.Kung may sakit ka naman sa puso please wag mo naman solohin nararamdaman mo sa pag-iyak try to reach out those people na trusted mo lalo na yung family mo.Lalaki man o babae pwede umiyak ...kung lalaki ka tapos iyakin ka...tandaan mo di ka bading sa paningin ng taong nakakaunawa sa'yo.
#26 Totoo yung "Suicidal thoughts" kaya be alert or mindful sa mga tao sa paligid mo.May mga kaibigan tayo na depressed and di natin gusto na mawala sila dahil lang sa feeling na "alone" or worthless na sila.Please sana may open arms tayo para sa lahat...dapat maging good listener tayo sa bawat isa.
#27 Live Life to the fullest.Live with your name.Live the life you want.Life is  A gift from God so Love and Love and Love.


-Sensei Plazo-
Apple Marie Plazo
Instagram: @missplazo_26

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan