Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan
Sa 26 taong pananatili sa mundo...tunay ngang bawat taon ay kakapanabikan ko.May malulungkot at Masasayang pangyayari.May mga di inaasahang pagkagulat sa pagharap ng buhay na salat dahil di naman laging may sapat. Wala akong ibang nasa isip habang ginagawa ang blog na ito kundi ang mga taong makakabasa nito at nang mabigyan ang sarili ko ng pagkakataong maibahagi ito. Layunin kong itala ang 26 o dalawampu't anim na mga aral ng buhay na nakuha ko mula sa aking karanasan na tiyak na mararanasan niyo rin sa di inaasahang mga pagkakataon. 1. Laging may magpapasaya sa atin sa bawat landas na ating tatahakin ngunit sila rin ang magpapalungkot at magiging dahilan ng kalungkutan natin dahil karaniwan sa mga taong nagpapaligaya ay hindi naman palaging nananatili sa ating tabi.Maaaring ipinahiram lamang sila ng tadhana dahil misyon nilang paligayahin tayo subalit kapag natapos na ang misyon ay ang tadhana na rin ang maglalayo sa kanila sa atin dahil may mas nangangailangan pa sa kanil
Comments
Post a Comment