Bakasyunan Resort and Conference Center (Iba, Zambales)

#Zambales




            Bakasyunan Resort and Conference Center (Zambales)

Isa ang Iba, Zambales sa may pinakamaganda at pinakamaaliwalas na lugar na nagtataglay ng mga Resorts na may Gray sand at Crystal Clear Blue na karagatan.

Napakagaan sa pakiramdam ang makarating sa Iba, Zambales kung saan ibig mong lasapin ang mga araw doon habang malapit sa katahimikang ibig mong matikman.Tiyak na sulit at may kalidad ang mga mararanasang pagrerelax kasama ang iyong buong pamilya.

Isa ang Bakasyunan Resort and Conference Center sa aming napiling destinasyon para makapagpahinga matapos ang napakahabang roadtrip na aming tinahak. Tinahak namin mula Maynila ang Nueva Ecija para makasama ang aming mga mahal sa buhay at mula Nueva Ecija ay di na kami nag-atubiling maghanap ng resort na may white o gray sand beach. At dahil na rin sa isa naming kasamahan na lumaki sa Zambales ay nabigyan kami ng pagkakataon na mailibot ang aming diwa sa napakagandang Zambales at mga ilang lugar na malapit sa Zambales.

Pagkatapos ang mahabang paglalakbay ay nagstay kami sa Bakasyunan Resort and Conference Center sa Zambales (IBA) maari niyo itong bisitahin at maari rin po kayong mag text 09175755158 at 09989942513 para sa reservations. Bisitahin niyo rin po ang kanilang Website sa www.bakasyunanresort.com .








May napakalinis na pool na bukas simula alas otso ng umaga.




Kitang-kita ang napakagandang karagatan na tila humahalik sa kalangitan.



Kitang-kita ang ganda ng Zambales.







May shop silang bukas para sa lahat ng mga bisita.


May kiddie at adult pools .

Tara sa Zambales!

#BakasyunanZambales 



-Sensei Plazo- 
Apple Marie Plazo
Follow me via
Instagram: @missplazo_24
Youtube: sensei plazo
Twitter: @plazoapplemarie



Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤