PASKO NA NAMAN ❤ (2016)
Sari-saring dekorasyong pampasko ang masisilayan sa tuwing papalapit na ang kapaskuhan.
Maisisigaw mo na lang "Pasko Na Naman!" sabay ang pusong kakaiba na naman ang nararamdaman.
Di alintana ang kahirapan maging ang mga problemang pinagdadaanan.
Masusulyapan sa mga mata ng mga tao ang positibong pananaw tuwing kapaskuhan at kahit hindi pa pasko ay sari-saring pagpaplano na ang laman ng isipan.Ganito mag-isip ang mga Pinoy sa tuwing kapaskuhan kung saan ang mga dekorasyon at pagpaplano ng mga pagtitipon ang siyang nagiging daan upang sumaya sa likod ng napakaraming pinagdadaanan.
Masarap maglibot sa malls kung saan napakarami nating nakikita. Pero mas masarap magsimba at magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap mula sa Kanya.
Tuwing Pasko na lamang tayo'y may natatanggap na aginaldo mula sa ating mga di-inaasahang tagapaghatid pamasko. Alam natin ang pakiramdam na may biyayang natatanggap kaya't ngayong Pasko maari tayong makapagbahagi ng saya sa iilan nating kababayan na abot ng ating mga palad sa abot ng ating makakaya.
Ngayong taon napakasarap sa pakiramdam ang isang proyekto na nabuo ko na maari mo ring gawin upang maging daan sa pagbibigay tuwa sa ating mga nadadaanang nangangailangan na nakikita sa mga eskinita.Ang panahon ng Pasko ay tunay na hindi lamang para sa mga taong tagatanggap ng regalo kundi para rin ito sa mga taong gustong magbahagi ng tulong para sa iba nang walang kapalit.Simpleng ngiti lamang ng mga taong nabigyan ay napakalaking tuwa na ang hatid.
(Simple Gift Project 2016)
Tunay nga namang maaaring magbukas ng puso ang bawat isa para sa iba.
Ngayong taon isang natatanging pagkakataon na naman ang Pasko upang makasama ang mga mahal sa buhay na hindi palaging nakakasama.Panahon ito upang bigyan ng oras ang mga magulang na mamasyal o kaya ay makasamang kumain at makuwntuhan ng mga kuwentong sabik na nilang marinig mula sa'yo.
Minsan ay may nakakalimutan tayo.Nakakalimutan natin ang tunay na halaga ng Pasko.
Sa kabila ng mga magagandang pananaw na naipapahayag tuwing kapaskuhan ay hindi natin maitatago na bilang mga anak ng Diyos ay hindi tayo nakakalimot sa tunay na simbolo ng Pasko na Siyang Si Jesus. Sa likod ng sari-saring palamuti't mga regalo Ang Ating Diyos ang siyang tunay na pokus ng Pasko. Ibig sabihin nito ay huwag na huwag nating kakalimutan na ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa mga pampaskong dekorasyon, regalo,reunion at parties. Ang Pasko ay punung-puno ng pagkakataon upang magnilay-nilay tungkol sa pagsilang ni Hesus na tunay na sinisimbolo ang pagsilang ng bagong pag-asa para sa ating lahat.
Isinulat ni Sensei Plazo
Instagram: missplazo_24
missapplemarieplazo
Twitter: @plazoapplemarie
Comments
Post a Comment