Bago Mag Pasko 2017
Pasko...Pasko...Pasko na namang muli...Jingle All the way...Ayun oh! Napapakanta na.
Bago pa man MagPasko ang dami na nating naihanda para sa ika nga'y "Wonderful Time of The Year" .
Ibang iba ang Pasko sa Pinas...Setyembre pa lamang ay buhay na buhay na ng mga nag gagandahang pailaw at Christmas Tree na may makikinang na Dekorasyon ang buong Pinas (Pilipinas) .Tiyak na magpapakulay ng Pasko mo ang bubungad pang mga ngiti ng Pinoy kasabay ng mga naglalakihang Christmas Tree Pictures na bubungad sa iyong social media feeds.

Bago mag Pasko hindi na mawala sa atin ang pagpaplano at paggawa ng mga wish list.
Isa ako sa may maagang kahilingan na nawa'y makumpleto kaming magkapamilya ngayong Noche Buena subalit ang makakasama ko lamang ay ang aking ina at dalawang kapatid dahil sa malayo ang aking ama sa amin at ang aming panganay na ate ay nasa Davao.
Naglalakihang Christmas Tree ang makikita sa mga malls at halos lahat ay damang-dama na ang Pasko habang naririnig ang mga awiting pang Pasko ni Jose Mari Chan at ng ilan pang Pinoy at foreign singers.
Di magkamayaw ang mga tao sa pamimili ng regalo at pagbabalot ng mga ito kahit buwan pa lamang ng Oktubre at Nobyembre.
Pagdating naman ng Disyembre ay sandamakmak na imbitasyon ng parties at travel ang kinakaharap ng nakararami.
Iba talaga ang diwa ng Pasko.Isang beses lang ang pagdalaw nito sa isang taon subalit halos naiisip at bukambibig ito mula Enero hanggang Disyembre.
Bago mag Pasko tila bagyo na ang pagdating ng mga kahilingang ibig matanggap.Mga kahilingang hindi naman laging materyal na bagay kundi oras at mga mahahalagang araw na makasama ang Pamilya na buo sa pagsalubong sa tunay na star ng Pasko na si Hesus...kung saan ibig ng nakararami sa'tin na maging kumpleto sa napakahalagang araw ng kapanganakan ng ating Hesus.
-Apple Marie Plazo-
Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie
Facebook: Apple Marie SevellejoPlazo
Youtube: Sensei Plazo
Comments
Post a Comment