Mga Tula Mula kay Sensei Plazo

         


❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤




Sa panahong tahimik...
Mga alaala ay pilit nanunumbalik...
Hinayaan kong mamulat muli sa nakaraang pilit bumabalik ...
Heto ngayon nakakabuo ng mga tulang mula sa nakaraang nagbabalik...
Nakaraang wala nang daan kundi ang idaan na lamang sa tula dahil pagod na sa paghibik.

Idinaan sa tula nang puso naman ay magalak,
Idinaan sa tula upang mamulat ang iba sa maaaring landas na matahak.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

                   'Ikaw' ni Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)
(Sinulat na awitin/Tula para sa pinakamatalik na Kaibigan)

Ikaw, ikaw ang naging sandalan ko
Pinagaan bigat ng nararamdaman ko
Naging pag-asa sa mundong naging magulo
Pumigil sa mga luhang walang tigil sa pagtulo.

Kailanman di inaasahan pagkakaibigang ganito
Higit pa sa pagkakaibigan ang inalay mo
Ika'y naging pangalawang magulang ko
Bigay ng Diyos upang ako'y huwag sumuko.

Koro:
O, Ikaw, ikaw ang naging sandalan ko
Ibinahagi mo pati ang buhay mo
Binuksan natutulog kong isip, tungkol sa mundo
Natuto, bumangon, huminto...nag-isip...

Huminto sa pagdududa, natuto't nag-isip
Ohhh...
Pagkatuto mula sa mga karanasan sa isip at puso ay naitala ko mula sa iyo

(Ulitin ang Koro)

Natuto mula sa iyo
Salamat sa iyo
Salamat sa iyo...

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
                    'Huwag'
Isinulat ni Apple Marie Plazo

Huwag ka nang magtaka
Kung isang araw siya'y wala na
At iba na ang nananahan sa puso niya
Masakit man wala kang magawa iyan ay nakatadhana.

Huwag kang malungkot
Mapait man at ang tadhana'y naging malikot
Di kailanman dapat kinakain ng poot
Huwag magpadala sa lungkot.

Asahan ang bagong umaga
May umalis man tiyak na may nakaabang pa
Mas handa at nakatadhanang makasama ka
Hindi tulad niyang naglalaho na lang na parang bula.

Marahil hindi ka naging sapat , hindi siya nagtapat
Dahil siya'y hindi nga naman karapat-dapat
Tunay ngang ang pag-ibig na wagas ay dapat tapat
Hindi pinipilit at binabanggit...nararapat talagang ipinagtatapat.

Huwag kang malungkot
Asahan mong may isa pang susulpot
Ipaparamdam tunay na pag-ibig na hindi hahantong sa biglaang paglimot
Gagawin ang lahat upang ika'y maabot.



❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤



                  Bula
      Tula ni Sensei Plazo


Nang makilala ka puso ko ay natuwa
Bakit ngayon aking naramdaman ay sigwa
Hindi inaasahang ikaw ay maglalahong parang bula
Walang pasabi at ako ngayon sayo'y di na natuwa.

Ang magandang simula...
Ang tuwang idinulot ay nawala
Wala na ...wala na...ikaw ay parang bula.

Parang bula na sa una ay pumukaw ng atensyon ko
Na sa bandang huli ay bigla na lamang naglaho
Masakit isiping panandalian lang ang tuwang iginuhit sa puso
Pero ang naiwang pighati ay napakatagal naglaho.

Huwag kang mag-alala
Tanggap ko na
Hindi ako ang bula
Dahil ako ang batang panandaliang natuwa
Sa tulad mo palang mawawala na  lang bigla na parang bula.


Ikaw ang bula na unti-unti nang nabubura sa aking gunita.

❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤



                        Unan
                 Tula ni A.M.Plazo

Maaari ba kitang maging sandalan?
Makasama sa ligaya o sa lungkot na pinagdadaanan?
Mabulungan ng mga problemang unti-unti akong dinadaganan
Mabulungan ng mga pasakit upang buhay ko'y mapagaan
Sa tulong mo ang aking mga luha'y may pagdadaluyan.

Araw man o gabi laging handa at nasa aking tabi
Tulong mo sa akin ay hindi maikukubli
Humalakhak man sa tuwa o magtago ng ngiti
Humagulgol man sa pag-iyak ika'y nariyan parati.

Unan,
Ikaw na ba ang unan ko kaibigan?
Maaari ba kitang makilala at masandalan?
Sagutin mo ako
Handa akong tanggapin ang isasagot mo...
Maaring OO...maaring Hindi...
Ayos lang kaibigan...ako'y mananatili sa tabi mo
Asahan mong nandito ako maaaring maging unan mo.



❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

                           Bituin
                   Tula ni A.M.Plazo

Bilang na bilang ang mga araw sa tuwing ika'y nasisilayan,
Kasingtingkad ng bituin aking ligayang nararamdaman,
Sa tuwing nagkikita ika'y tila isang bituin
Gumuguhit ng ningning sa aking paningin.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤




Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Simpleng Paalala sa Panahon ng Tag-ulan