#SenseiPlazoDiaries
Ako'y naging isang guro sa isang Akademiya kung saan hindi lamang ako nanatili ng tatlong taon doon tulad ng nalalaman ng nakararami.Sa puso't isip ko'y kasapi pa rin ako at nasa puso ko pa rin ang Akademiya sa kabila ng aking personal na pamamaalam alam kong hindi magpapaalam ang aking pagpapasalamat sa akademiya pati na sa aking mga co-teachers at sa mga batang naging bahagi ng aking First 3 years of Teaching. Sa aking paglisan sa paaralang yaon ay hindi nagtapos ang mga pagpapahalagang itinanim ko sa aking puso.Panghabambuhay ang mga karanasang aking babaunin at alam kong may malaking plano ang Diyos dahil sinubok niya talaga ang aking tibay at pagpapasyensya sa mga bagay-bagay.Alam kong may mga nakatatak na mga aral sa aking puso ngayon na pinaglalalim ko pa upang maibaon ito at maisalaysay para sa susunod pang henerasyon. Isang taon na nang lisanin ko ang Akademyang yaon...subalit patuloy itong magiging bahagi ng aking paglalakbay sa pagiging guro. Kay...