Isang Pagtitipon Para Kay Pangulong Rody Duterte
Ika-25 ng Pebrero taong 2017 nang muling magtipun-tipon ang napakaraming Duterte Supporters mula sa iba't ibang panig ng bansang Pilipinas para sa iisang layunin.Ang layuning maipakita ang suporta sa Pangulong Rody Duterte sa paglalakbay tungo sa pagbabago. Di magkamayaw ang mga tao sa Grandstand (Quirino) at punung-puno din ang saan mang panig ng Luneta Park bunga ng nasabing kaganapan. Nakakabilib na hindi naging magulo at walang nangahas na sirain ang araw na itinakda para sa lahat ng kusang susuporta sa pangulo. May mga mahahalagang mensahe at mga inihandang awitin at mga speech ang naibahagi sa mga tao at makikitang ang lahat ay nakikiisa. Habang ako'y nagmamasid sa paligid...nakikita ko ang isang matibay na paniniwala ng bawat taong nakasama namin.Tila naging Family day ang nasabing araw.Masasaksihan ang pami-pamilyang supporters ng ating Pangulo kung saan sadyang mapapabilib tayong lahat para sa Pangulo. Ang mga tao ay nakadilat buong maghapon hanggang gabi bil